top of page
Search
BULGAR

Deployment ng healthcare workers sa ibang bansa, stop muna — POEA

ni Jasmin Joy Evangelista | November 6, 2021



Pansamantalang ititigil ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpoproseso ng mga papeles ng mga nurses at iba pang mga healthcare workers na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.


Ito ay dahil naabot na ang itinakdang deployment cap ng Inter-Agency Task Force (IATF) o bilang ng mga health care workers na maaaring magtrabaho abroad.


Dahil dito ay hindi muna mag-i-issue ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa mga healthcare workers na nagbabalak na mag-abroad.


Matatandaang 6,500 lamang ang bilang ng mga healthcare workers na papayagang mangibang-bansa sa taong ito batay sa patakaran ng IATF.


“Pursuant to POEA Governing Board Resolution No. 17, Series of 2020 and POEA Advisory No. 79, Series of 2021 on the lifting of the moratorium or temporary suspension on the deployment of nurses, nursing aides and nursing assistants, and increasing the annual deployment cap from 5,000 to 6,500, the Administration hereby announces that the said ceiling has been reached as of date,” ani POEA head Bernard Olalia sa Advisory No. 144.


Magpapatuloy ang pagpapatupad sa nasabing suspensiyon hanggang wala pang panibagong inilalabas na anunsyo ang Inter-Agency Task Force.


Samantala, nilinaw naman ng POEA na papayagang makabiyahe ang mga nakakuha na at nakapagproseso na ng kanilang mga papeles bago pa man ilabas ng ahensiya ang nasabing kautusan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page