Mag-organize ng sistema sa pagtatapon ng basura at pangunahan ang recycling!
ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 5, 2020
“Tapon tapon tapon mo basura mo itapon mo, tapon tapon tapon mo basura mo itapon mo,” ‘yan ang palasak na kanta kapag paparating na ang mga kolektor ng basura sa bawat bahay.
Pero, kung gabundok na papel ang ibabasura at itatapon lang, naku naman, kaya pa ba ng mga landfill ‘yan? Lalo na ngayong siguradong magtatambakan ang basura ng papel sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo, dahil sa mga printed-self learning modules para sa mga estudyante.
Hay nako, kailangan super-ingat ang mga nanay at tatay sa mga modules na ‘yan. Aba, eh, kapag hindi maayos ang pagtambak niyan sa bahay habang wala pang kolektor ng basura, scary to-death na pagmulan ‘yan ng sunog, ha? Que horror!
Kapag nakolekta naman ang mga basurang papel, pihadong gabundok o baka mala-building pa ang basurang matatambak sa mga landfill, hello, ano yan next smokey mountain? ‘Kalokah!
Eh, isipin n’yo ‘yung multiplier effect ng dami ng modules sa kada subject, bukod pa ‘yung dami ng mga estudyante at miyembrong estudyante ng kada pamilya? ‘Di bah?!
Pero to the rescue ang IMEEsolusyon sa super-tambak na basura na perwisyo sa kalikasan, eh, i-recycle! Agree? Hello DepEd, LGUs at mga school, plis lang, mag-organize ng sistema sa pagtatapon ng basura at manguna kayo sa recycling!
Isa pang IMEEsolusyon para maiwasan ang gabundok na basurang papel, baka naman puwedeng magpahiram ang DepEd o LGUs ng mga laptop o baka papayagan ang installment dito para lang bawas gastos na sa magulang, bawas basura pa na masama sa kalikasan?
Well, LGUs at DepEd, kuwentahin ninyo, magkatumbas lang ang gastos sa modular learning at paggamit ng laptop ha, eh, bukod sa papel, papaimprenta pa at gagamit pa ng ink kada semestre, ‘di bah? Esep-esep!
Comments