top of page
Search

'Department of Sports,' inihihirit sa gobyerno

BULGAR

ni Angela Fernando @News | August 11, 2024


Sports News
Photo: Coachup

Nanawagan ang isang sports analyst nitong Linggo sa pamahalaan na bumuo ng Department of Sports upang matugunan ang sinasabing magulong kalagayan ng mga ahensyang kadikit ng sports sa 'Pinas.


Nagpahayag ang sports analyst at abogado na si Ed Tolentino na nagkakaroon ng overlapping o pagsasapawan sa jurisdiction at mga tungkulin ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. Dagdag pa niya, ang pondo para sa mga atleta ay nahahati pa sa dalawang ahensya.


"This is the problem of Philippine sports. Too many cooks are spoiling the broth. Ang daming nagluluto, kaniya-kaniyang recipe. Minsan ang lumalabas sa ulam, panis na. Hindi ba mas maganda iisa ang nagmamando?" saad ni Tolentino.


"Mas madali ang feedback mechanism kung iisa ang ating pinagtatanungan, iisa ang may kontrol, maliwanag ang mensahe sa atleta, madali nilang maidudulog ang kanilang problema," pagbibigay-diin nito.


Iginiit din niyang kahit may mga commissions para sa sports ay nagiging mapulitika rin ang mga ito at maraming alegasyon ng korupsiyon.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page