ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021
Positibo sa COVID-19 si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, ayon sa kanyang Facebook post ngayong Martes.
Aniya, noong March 22 ay nakaramdam na siya ng sintomas ng COVID-19 katulad ng pamamaos at pangangati ng lalamunan at sumailalim siya kaagad sa antigen test kung saan positibo ang resulta nito.
Negatibo naman daw sa antigen test ang mga kasama niya sa bahay.
Nang malaman niyang COVID positive siya ay kaagad din siyang sumailalim umano sa self-isolation.
Saad pa ni Antiporda, bukod sa vitamin c at zinc, niresetahan din siya ng doctor ng Zythromax at Lianhua.
Aniya pa, “My COVID-19 fight. Hindi ko sinabing gayahin n'yo pero ito ang pinagdaanan ko.
“Day 2. Mar. 23, 2021: Dr. Rogel prescribed Zythromax (once a day).
“With 4 tabs of Lianhua every meal.”
Noong March 24, aniya ay lumala ang kanyang lagay at bumaba ang oxygen level niya.
Nu’ng March 25, may nagpadala umano sa kanya ng Avigan.
Aniya, “Day 4 Mar. 25, 2021: Jojo Soliman sent Avigan meds for me, natakot naman ako baka magkahalu-halo na at ‘yun pa ang ikamatay ko.”
Kasunod nito ay nag-post si Antiporda ng kanyang larawan kasama ang tila healthcare worker na naka-protective suit.
Saad pa ni Antiporda, “Check-up time. COVID teletubbies on the move. Kaya natin ito.”
Comentários