top of page
Search
BULGAR

DENR, binuweltahan… Dolomite sand sa Manila Bay, sablay! — UP-MSI

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 14, 2020




Nagsalita na ang head ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI) sa naging pahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Spokesperson Benny Antiporda nitong Miyerkules sa kalahating bilyong binayaran umano ng ahensiya sa kanila simula 2016.


Matatandaang sinabi ni Antiporda na ang kalahating bilyong pisong ibinayad umano ng DENR sa UP-MSI mula noong 2016 ay puro sa konsultasyon lamang daw napunta at wala pang infrastructure.


Saad naman ni Dr. Laura David, director ng UP-MSI, "Malamang po, hindi familiar si Usec. sa contract service ng UP. Sa tingin niya, consultancy ito. Ang katotohanan ay service contract po.


"Ibig sabihin noon, karamihan ng pera na naipadala ng DENR ay para sa pananaliksik, field work, laboratory work na kinailangan naming gawin para matugunan ang mga katanungan ng DENR."


Depensa pa ni David, "Kahit na anong ginagawang paglalagay ng lupa sa tabing-dagat, dapat maagap ang pananaliksik dahil puwedeng may maling puwesto, puwedeng maling materyal na ginagamit. Ang nangyayari, kapag ganoon, nagiging magastos ang pag-a-upkeep ng isang lugar.”


Inayunan din nito na hindi akma ang dolomite sand sa Manila Bay.


Saad ni David, "Ang puwesto na pinili na paglagyan ng dolomite o extension ng beach, isa po itong lugar kung saan nagsasalpukan ang dalawang current o dalawang daloy ng tubig sa Manila Bay. "'Pag ganito pong lugar, mas madali siyang masira... 'Pag pumunta kayo sa bawat beach, mari-realize n'yo na iba't ibang klaseng sand ang nakalagay.


Kagaya ng Boracay sand, pino; Batanes beach, mabato. Kasi po, bawat isang lugar, iba ang lakas ng alon na humahampas. Kapag mali ang sand na inilagay, madali siyang mae-erode. Sayang lang ang investment kapag ganoon."


Dagdag pa niya, "Magastos po iyang location pong iyan... Typically po na ang ganito pong type ng projects, matagal na po ang limang taon bago ma-wash out. Kung minsan, isang bagyo lang bago siya ma-wash out.”


Pahayag din ni David, "Ayaw po naming masira ang aming relationship na matagal na sa DENR. We really think it's just a misunderstanding on his part... Hindi lang niya alam ‘yung mga kontrata, and I think we can clear this out."

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page