top of page
Search
BULGAR

DENR at PHILSA, joint forces sa paglikha ng Natural Resources at geospatial database

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | February 9, 2023


Kamakailan lang ay inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magbabakas sila at ang Philippine Space Agency (PhilSA) upang lumikha ng national environment and natural resources geospatial database.


Sakop ng partnership na pinasok ng dalawang ahensya ang progress monitoring para sa National Greening Program (NGP), at pagtatag ng komprehensibong national geospatial database para sa Environment and Natural Resource Accounting (ENRA) program, kasama na ang koleksyon ng impormasyon tungkol sa klima at pagsasagawa ng analysis.


Lilikha ang PhilSA ng mga mapa, systems, at tools sa national level para suriin ang mga kahinaan at epekto ng climate change at mga sakuna. Tutulungan din nito ang DENR sa pag-monitor ng mga NGP area at iba pang gubat sa pamamagitan ng remote sensing, artificial intelligence, at geographic information systems.


Magmumula sa DENR ang mga data na kailangan ng PhilSA.


Natutuwa tayo na gagamit ang pamahalaan ng siyentipikong pamamaraan upang tugunan ang mga isyung kinakaharap natin, lalo na sa pagprotekta sa kalikasan sa harap ng krisis sa klima.


☻☻☻


Tinatalakay din namin sa Senado ang committee report para sa Cultural Mapping bill.


Ang cultural mapping ay tumutukoy sa sistematikong mga gawain at metodolohikal na proseso para sa paggalugad, pagdiskubre, pagdokumenta, pagsuri, pag-interpreta, pagpresenta, at pagbahagi ng impormasyon tungkol sa mga pamanang-lahi ng mga komunidad sa bansa.


Kinikilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang halaga ng cultural mapping sa pagpreserba sa ating mga tangible at intangible cultural assets.


☻☻☻


Layunin ng panukalang-batas na amyendahan ang Republic Act No. 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009 at imamandato ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng cultural heritage mapping ng tangible, intangible, natural, at built heritage sa kanilang mga komunidad.


Kikilalanin din ang karapatan ng ating mga indigenous peoples na magsagawa ng kanilang sariling cultural mapping.


Lilikha rin ng Cultural Mapping, Research, and Planning Division sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts, at ng Joint Congressional Oversight Committee upang matutukan ang implementasyon ng cultural mapping sa buong bansa.


Umaasa tayo na sa tulong ng panukalang-batas na ito ay maging mas matagumpay tayo sa pangangalaga sa pamana ng ating lahi na mahalagang salik ng ating kaakuhan bilang mga Pilipino.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page