ni Nitz Miralles - @Bida | October 31, 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_53e14132c4bf4bda9265e32f1c247507~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_53e14132c4bf4bda9265e32f1c247507~mv2.jpg)
Sa mga nag-propose na taga-showbiz, pinakasimple ang marriage proposal ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado dahil bukod sa bahay ng aktres ginawa ang proposal, naka-tsinelas lang ang aktor.
Kita sa video ang tsinelas na suot ni Dennis na ikinatuwa ng mga netizens. Ang biruan ng mga netizens, ang tsinelas ni Dennis ang nagdala.
Lalo pang natuwa ang mga netizens nang malamang nagpraktis pang lumuhod si Dennis bago ang kanyang proposal at nakunan din ito ng video. Kahit daw pala mahusay na aktor, kapag totohanan na, kinakabahan at kailangang ipraktis ang pagluhod.
Natawa rin ang mga netizens nang sa gitna ng emotional na pagsasalita ni Dennis habang hawak ang kamay ni Jennylyn, nanghingi ng tissue si Jen dahil naiyak. Si Dennis pa ang tumayo para kumuha ng tissue at ibinigay kay Jennylyn.
Biniro rin ng mga netizens si Dennis na ikakasal na naman siya at magiging pang-lima na niyang asawa si Jennylyn at sigurado raw na magwawala si Diane, ang karakter ni Andrea Torres na gumaganap na isa sa mga asawa ni Dennis sa Legal Wives.
Sa story kasi ng drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Dennis, tatlo na ang asawa niya at magiging apat pa kapag natuloy ang kasal nila ni Marriam (Ashley Ortega).
Masaya ang mga taga-showbiz, fans at mga netizens sa marriage proposal ni Dennis kay Jennylyn. Patunay dito ang 1 million views ng vlog sa loob ng six hours. Tataas pa ang number of views sa YouTube sa mga susunod na araw. Itse-check kasi nila ang tsinelas na suot ni Dennis.
Anyway, cover sina Dennis at Jennylyn sa November 2021 issue ng Mega Entertainment at sa cover, may nakasulat na “Their road to marriage and getting pregnant.”
Tiyak na marami ang bibili ng nasabing magasin.
Comments