top of page
Search

Dengue, Leptospirosis at TB, mas delikado sa COVID — DOH

BULGAR

ni BRT @News | August 7, 2023




Kasunod ng pagbawi ng gobyerno sa state of public emergency dahil sa COVID-19, sinabi kahapon ng Department of Health na mas nakamamatay pa ang ibang sakit kaysa sa respiratory illness na nagdulot ng pandemya.


Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, kung ikukumpara ang COVID-19 sa ibang sakit, mas mababa na ang bilang ng tinatamaan nito.


Mas mababa na rin umano ang bilang ng mga naoospital at namamatay dahil sa COVID.

Karaniwan aniyang nasa 1 hanggang 2 pasyente lang ang nadadala sa ospital, at karaniwang may edad at comorbidity.


"'Yung COVID-19, para na siyang isa sa mga sakit natin. At mas nakamamatay pa ang dengue saka [leptospirosis tsaka tuberculosis]," ani Herbosa.


Matatandaang sinabi ng DOH kamakailan na patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue sa bansa habang inaasahan namang dadami ang mga may leptospirosis dahil sa pagbaha.


Sa kabila nito, patuloy ang surveillance ng DOH sa COVID dahil maaari pa rin umanong magka-outbreak.


Pinayuhan naman ni Herbosa ang publiko na gusto magpaturok ng bivalent vaccine na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page