top of page
Search
  • BULGAR

Demanda ni Yasmien vs. Baron, ipinaatras… SIGAW NI ATTY. TOPACIO: GMA-7, MAS KAMPI SA NANGHA-HARASS KESA SA BIKTIMA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 17, 2024



Showbiz News

Busiest lawyer ngayon ang Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio dahil sa mga hawak niyang controversial cases ng mga high profile personalities.


Nangunguna na nga riyan ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy na kamakailan ay nahuli na at kasalukuyang hawak ng PNP at naka-detain sa Camp Crame.


Si Atty. Ferdie rin ang legal counsel ni Cassandra Ong, ang business partner ng dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. 


At ang dalawa pang controversial personalities na kliyente niya ay sina former Cong. Arnolfo Teves, Jr. at Palawan ex-Gov. Joel Reyes, na sumuko na rin para sa kasong murder sa broadcast journalist na si Gerry Ortega.


Kaya sa dami ng hawak na kaso ngayon ni Atty. Ferdie, hindi raw niya matututukan kung sakaling siya pa ang kinuhang legal counsel ng Miss Saigon singer-actor na si Gerald Santos na kamakailan ay humarap na nga sa Senado para ibulgar ang naranasang pangha-harass umano sa kanya ng musical director noon sa GMA-7 na si Danny Tan mahigit isang dekada na ang nakararaan.


Pero tiniyak naman ni Atty. Ferdie na nandiyan lang siya para sumuporta kay Gerald sakaling may mga kailanganin ito dahil naging magkaibigan din naman sila ng aktor na nakasama sa pelikula niyang Mamasapano.


Ang siste, nang kumustahin kay Atty. Topacio ang kaso ni Gerald nang humarap siya sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores last Saturday, naungkat pati ang iba pang 'harassment cases' na involved ang ilang taga-GMA-7.


Simula ng pahayag ni Atty. Ferdie, "All these things would not have happened, in fairness to… 'wag namang magagalit ang GMA dito, matagal ko na po kasing inire-raise ang alarm bell sa GMA-7 with respect to these cases, masyadong maluwag sila."


Isa nga sa mga ibinigay nitong halimbawa ay ang hinawakan niyang kaso noon ni Yasmien Kurdi na nagsampa ng harassment case laban kay Baron Geisler. Ang reklamo ni Yasmien noon, hinipuan siya ni Baron sa taping ng series nila.


Patuloy ni Atty. Topacio, "That resulted in sex trauma to Ms. Yasmien Kurdi that she left showbiz for a while, 'di ba, nag-aral siya ng Nursing?


"Ang nangyari roon, sa halip na tugunan ng GMA ay pine-pressure pa si Ms. Yasmien Kurdi na iatras 'yung demanda, which I think should not be the proper response."


Ang nakakalungkot daw, hindi naman tinanggal si Baron kundi si Yasmien pang biktima ang napilitang umalis sa serye dahil ayaw nga raw tanggalin ang aktor.


Second case na hinawakan niya ay kay Bea Binene nang magreklamo ito sa pulis na hinarass diumano ng DJ ng LS FM na si Papa Dan. 


Ang nangyari naman daw ay si Atty. Ferdie pa ang masama at binaligtad pa diumano siya ng GMA-7 na nakikialam siya sa pagtatanggol niya kay Bea kaya nagkademandahan sila. 


Pero to be fair din sa GMA-7, paglilinaw ni Atty. Ferdie, "'Yan naman ay 'di alam ng mga Gozon. Kilala ko sina Ms. Annette (Gozon), eh, maayos 'yang mga 'yan, very religious ang tatay niya, si Atty. Gozon, 'di ba?


"'Yung mga middle executives sa GMA, nagtatakipan sila-sila," dagdag pa niya.

Kaya nga ang ipino-propose raw niyang batas sa committee ni Sen. Robin Padilla sa Senado, 'yung mga nagtakip sa mga nang-harass ay patawan din ng parehong parusa at 'di lang basta accessory to the crime.


Samantala, nilinaw naman ni Atty. Ferdie na nagkaayos na rin sila ngayon ng GMA-7 kaya all's well that ends well na raw.


 

Kahit 3 yrs. na sila… 

RHIAN, TANGGAP NA 'DI PA MAPAKASALAN NI SAM



Rhian Ramos at Sam

THREE years na pala ang relasyon nina Kapuso actress Rhian Ramos at Tutok To Win Rep. Sam Verzosa. 


Sa Handog Pasasalamat kahapon ng Dear SV show ni Cong. Sam na ginanap sa dating MLQU sa Maynila kung saan namigay siya ng 100 SioMaynila Food Cart sa 100 na napiling sumulat sa kanyang show na umeere sa GMA-7, nakausap namin ang magdyowa after ng event.


Siyempre, after 3 yrs., marami na ang nag-aabang kung kelan na nga ba ihaharap sa altar ni Rep. SV ang kanyang pretty girlfriend. 


Bagama't natatawa na lang sina Rhian at Sam sa pamemresyur sa kanila ng press, hindi naman daw sila nape-pressure dahil para sa kanila, hindi pa talaga kasal ang priority nila lalo't pareho pa rin silang busy sa kani-kanilang trabaho.


Si Rhian ay may bagong project sa GMA-7 pagkatapos ng Pulang-Araw, kasama siya sa Sangre na sequel ng Encantadia.


Si Cong. Sam naman, bukod sa kanyang Frontrow business at pagiging kongresista, balitang tatakbong mayor ng Maynila sa 2025 elections kaya magiging busy na naman ito.


Ani Rhian, hindi naman sila nagmamadaling magpakasal. Ang mahalaga nag-e-enjoy sila sa isa't isa at hindi naman sila nagkukulang ng time dahil talagang 'pag may pagkakataon, sinusulit nila ni SV na mag-travel abroad at mag-date.


Nakilala na rin daw nila ang pamilya ng isa't isa at botong-boto nga raw ang lola ni Rhian kay Sam, samantalang tanggap din ang aktres ng pamilya ng BF. Kaya kumbaga, wala na talagang hadlang kung gugustuhin nilang magpakasal, pero siguro ay tuma-timing pa sila.


Samantala, todo-suporta si Rhian sa mga ginagawang charity works ni Rep. SV at sobrang naa-appreciate naman daw ng kongresista ang kabutihang-loob ng GF at in fact, kaya raw siya mas naging mabuting tao ay dahil kay Rhian Ramos.

Hindi naman sila masyadong in love sa isa't isa, 'no?! Hehe!


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page