top of page
Search
BULGAR

Demanda ni Vic, sasagutin daw… DIREK DARRYL: LAHAT NG AKING INILABAS, NAKA-DOKUMENTO, ‘DI GAWA-GAWA LANG

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 11, 2025



Photo: Darryl Yap - The Rapists of Pepsi Paloma - VinCentiments


Agad na naglabas ng reaksiyon ang direktor ng controversial movie na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP) na si Darryl Yap sa isinampang kaso laban sa kanya ni Vic Sotto.

On the day na nagsampa ng kaso si Vic sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ay nag-post sa Facebook (FB) si Direk Darryl ng kanyang reaksiyon.


Inilagay niya sa caption ng ipinost niyang frame ng bida ng Pepsi Paloma biopic na si Rhed Bustamante ang kanyang saloobin sa kasong inihain laban sa kanya.

Caption ni Direk Darryl: “KALAYAAN ng kahit sino ang magsampa ng reklamo. Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan.


“Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo. Dahil sa huli, KATOTOHANAN lang ang depensa sa lahat ng KATANUNGAN. 


“Inurong ba ni Pepsi ang asunto? Ang sagot ay nasa litrato.


“Hindi ba napatunayan ang akusasyon ni Pepsi?” Ang sagot ay nasa litrato.


“Pero NAGSAMPA BA NG KASONG RAPE SI PEPSI LABAN KAY VIC SOTTO? Ang sagot rin ay nasa litrato.


“Nagsinungaling ba ang teaser? Ang sagot ay wala sa litrato… ito ay nasa maraming lathalain, ito ay nasa mga naburang bidyo, ito ay nasa mga lumang dyaryo.


“Alam nang mga nakakaalam noon, at alam na ng mga nagtatanong ngayon.


“Delia, Pepsi— Babalik tayo sa Korte (smile emoji).


“Ang Pilipino sa Sinehan #TROPP #TROPP2025.”


Samantala, nakakuha rin kami ng kopya ng opisyal na pahayag ni Direk Darryl bilang tugon sa demandang isinampa laban sa kanya.


Ayon kay Direk Darryl, “Agad naman po naming sasagutin ang reklamo ‘pag nakarating na po sa ‘min; ang sa ‘kin lamang, lahat po ng materyal na aking inilabas o ilalabas ay nakadokumento - hindi ko po gawa-gawa para makapanira.”


Wala raw personalan ang paggawa ng eksena ni Direk Darryl sa Pepsi Paloma movie kung nabanggit ang pangalan ni Vic.


“Wala pong personalan, naglalahad lamang po ako ng nangyari sa nakaraan na makikita sa mga nailathala noong 1980s. Naisapubliko naman po ‘yun.


“Maluwag po sa aking kaloobang tanggapin ang isinampang kaso ni Vic Sotto. Malaya naman po ang kahit na sino magsampa ng kaso - gaya po ng naisampang rape case noon ni Pepsi Paloma laban sa kanya na siya pong natatanging laman ng teaser.


“Nasa caption din po ng post na inurong ang kaso. Hindi po tayo nagkulang.

“Mahalagang mapanood muna nila ang buong pelikula,” diin ni Direk Darryl.


 

To the rescue kay Vic… 

SEN. TITO: DIREK DARRYL, LAGOT SA PAGGAWA NG GIMIK PARA KUMITA


Join na rin si former Senator Tito Sotto sa kontrobersiyal na kinasasangkutan ng kapatid niya na si Vic Sotto.


Nag-post sa X (dating Twitter) si Tito ng kanyang saloobin sa kontrobersiya nina Vic at Direk Darryl dahil sa biopic ng yumaong si Pepsi Paloma.


Post ni Tito, “When you rely on an old showbiz gimmick to make money and got your facts all wrong, you will falter, for sure!”


Siyempre, may mga reaksiyon ang mga netizens sa post ni Tito.


“It’s time to teach him (DY) a lesson in court.” 


“DY (Darryl Yap) bites more than he can chew on this one.”


“Pero bakit pinapa-delete po?”


“At madami rin sa YouTube (YT) ang gumawa about sa issue pero hindi kinasuhan? Million views din ang nakuha nila?”


Ganoon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page