top of page
Search
BULGAR

Delta variant ng COVID-19, kumpirmado na sa bansa

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 22, 2021



Nakumpirma na ang pagdating ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.


Ayon sa Department of Health, may 35 Delta variant cases na sa bansa, kasama ang 11 locally-acquired cases. May posibilidad ding mas marami pa ang “undetected” cases dahil sa hindi pa rin maayos ang genome sequencing sa bansa.


“Kumpara sa ibang bansa sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) na nakararanas ng malubhang pagtaas sa kaso dahil sa Delta variant, sa ngayon kasalukuyan, mas di hamak na mas maayos naman po ang ating kalagayan vis-à-vis the Delta variant,” ang sabi ni Health Sec. Francisco Duque III.


Ngunit hindi sapat ang mga salita lamang. Kailangang patunayan ng pamahalaan na “on top of the situation” talaga ito.


☻☻☻


Kailangang mapanatag ang kalooban ng ating mga kababayan dahil sa panganib ng bago at mas nakahahawang variant.


Kailangang nakikita ang mas maigting na prevention, detection, isolation, treatment, and reintegration strategies. Dapat na lalo pang higpitan ang border control natin nang masigurong walang carriers na nakapapasok sa bansa.


Bukod pa rito, kailangang lalo pang madaliin ang pagbakuna sa mga kababayan natin nang magkaroon sila ng dagdag-proteksiyon.


Mainam na rin sigurong ipagbawal muna ulit ang paglabas ng mga menor-de-edad tulad ng suhestiyon ng mga alkalde ng Metro Manila at ng Metro Manila Development Authority hanggang hindi pa “under control” ang mga bagay-bagay.


☻☻☻


Kailangang maagap tayo sa pagkontrol ng posibleng pagkalat ng Delta variant dahil lalo pang magdurusa ang ekonomiya natin kung magkakaroon na naman tayo ng malawakan at matagalang estriktong lockdown.


Patuloy na darami ang mga Pinoy na magdurusa kung urong-sulong ang ekonomiya dahil hindi tayo agresibo sa pagpigil sa pagkalat hindi lang ng Delta variant, kundi ng lahat ng COVID-19 variants.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page