Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 3, 2023
Itinanghal na "Best Scare Award" ang 'Deleter' ni Nadine Lustre sa 15th Grimmfest na ginanap sa Manchester kamakailan.
Ito ay ang taunang festival kung saan kanilang itinatampok ang mga pelikulang best in new horror, cult, extreme fantasy, at sci-fi.
Unang nagbahagi ng pagkapanalo ng palabas ay ang direktor nito na si Mikhail Red sa kanyang mga social media platforms.
Ayon sa award-giving body, ang nagpanalo sa ‘Deleter’ ay ang madilim na pakiramdam sa buong istorya at ang aspetong 'yon ang nanatili sa mga hurado.
Isa ang pelikula ni Nadine sa mga nag-box office hit nu’ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Opmerkingen