ni Madel Moratillo @News | August 20, 2023
Simula sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29, wala nang makikitang mga dekorasyon sa wall ng silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.
Batay kasi sa inilabas na direktiba ng Department of Education (DepEd), ang mga school grounds, classrooms at pader nito at iba pang school facilities ay dapat malinis mula sa anumang hindi kinakailangang artwork, decorations, tarpaulin, at posters sa lahat ng oras.
Ito ay para umano mas makapag-focus ang mga estudyante.
Bawal din ang oversized na mga signages na may commercial advertisements, sponsorships, o endorsements o anunsyo. Nagpaalala rin ang DepEd na hindi sapat maging tambakan ng mga materyales ang mga silid-aralan at dapat malinis ito mula sa mga bagay na hindi naman ginagamit.
Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, dapat na malinis ang classroom para ang atensyon ng mga estudyante ay nasa guro at libro.
Comentarios