top of page
Search
BULGAR

Deepfake porn videos ng TWICE, kalat sa SK

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 31, 2024


Sports News

Nagbabala ang management agency ng K-Pop girl group na TWICE tungkol sa mga deepfake video ng mga miyembro nito.


Nahaharap ang South Korea sa lumalaking problema sa deepfake porn videos, at kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang mga kaso sa mga paaralan sa buong bansa, kabilang na ang mga elementarya.


Sa isang pahayag, sinabi ng JYP Entertainment, ang agency ng TWICE na, “We are gravely concerned about the recent spread of deepfake (AI-generated) videos involving our artists.”


“This is a blatant violation of the law, and we are in the process of collecting all relevant evidence to pursue the strongest legal action with a leading law firm, without leniency,” pagpapatuloy nito.


Nagbabala pa ang ahensiya, “We want to make it clear that we will not stand by while our artists’ rights are violated and will take decisive action to address this matter to the fullest extent possible.”


Ibinahagi ng media outlet na Korea JoongAng Daily, na mga Koreans ang pangunahing target ng mga gumagawa ng deepfake porn, ayon sa ulat ng cybersecurity firm na Security Hero noong 2023.


“Based on data collected from ten pornographic websites and other video platforms such as YouTube and Dailymotion, the report concludes that Korea is the most targeted country for deepfake pornography,” saad ng media outlet.


Ang terminong 'deepfake' ay unang ginamit noong huling bahagi ng 2017. Ito'y mula sa isang Reddit user na lumikha ng isang espasyo sa site para magbahagi ng mga porn videos gamit ang face-swapping technology.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page