ni Mai Ancheta @News | August 22, 2023
Hiniling ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na buwagin na ang National Food Authority (NFA) dahil hindi umano sinusunod ang mandato na tulungan ang mga magsasaka.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, mas pinili pa ng NFA na bumili ng bigas sa ibang bansa kaysa mula sa mga lokal na magsasaka.
Bagama't dinagdagan ang pondo ng NFA para ipambili sa produkto ng mga lokal na magsasaka, sinabi ni So na hindi ito nasunod dahil sa ibang bansa bibili ng bigas ang ahensya.
Taliwas aniya ito sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang domestic production sa sektor ng agrikultura.
Ibinunyag ni So na personal na pumunta umano sa India ang NFA administrator para makipagnegosasyon sa aangkating bigas ng ahensya.
Comments