top of page
Search
BULGAR

Dedma sa babala ng DTI.. Pekeng yosi at vape, ibinebenta pa rin sa Lazada

ni Chit Luna @Brand Zone | April 27, 2023



Isang grupo ng mga doktor ang nanawagan sa Senado at ibang ahensiya ng gobyerno na proteksyunan ang publiko sa putuloy na pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo at vapes sa mga e-commerce sites.


Ito ay bunsod ng patuloy na paglantad ng mga hindi rehistradong produkto sa mga online sites tulad ng Lazada sa kabila ng babala na ipinalabas ng Department of Trade and Industry.



Ayon sa liham na pinadala ng Philippine Medical Association kay Senador Pia Cayetano, hindi nila maintindihan kung bakit ang mga hindi rehistrado at hindi nagbabayad ng buwis na sigarilyo at vapes ay hayagang ina-advertise, binebenta at ipinamamahagi sa lokal na merkado sa pamamagitan ng Internet.


Ipinadala din ng PMA ang kopya ng liham sa DTI, Department of Health (DOH), the Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG) at ibang ahensiya ng gobyerno.


Nanawagan ang PMA sa mga ahensiya na magkaisa laban sa mga iligal na tabako at vapes na matatagpuan sa Lazada, Shopee at Facebook Marketplace.


Naunang nagpatawag ng pulong ang DTI sa pamamagitan ng Consumer Protection Group sa mga kinatawan ng e-commerce companies upang pigilan ang paglaganap ng mga hindi otorisadong sigarilyo at vapor products sa Internet.


Sa kabila ng pagdalo ng ilang opisyal ng Lazada sa nasabing pulong, patuloy na makikita ang listahan ng mga hindi rehistrado at iligal na vapes sa naturang platform.

Ito ay hindi tulad ng Shopee na nagsabing tinanggal nito ang mahigit na isang milyong hindi rehistradong vapes sa website nito isang araw lamang matapos ang pakikipagpulong sa DTI.


Samantala, pinasalamatan ng PMA si Sen. Cayetano dahil sa kanyang patuloy na pagsisikap na maproteksyunan ang kapakanan ng mga Pilipino at pagbubunyag sa laganap na pagbebenta ng mga iligal na vapes sa mga online platforms.


Nagpahayag din ng babala ang grupo ng mga doctor na ang paglaganap ng mga hindi rehistradong produkto ay maksasama sa kalusugan ng publiko. Binanggit din ng PMA sa liham na ang mga nasabing produkto ay walang health warnings at binebenta sa mas mababang halaga dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.


“There is no way to verify if the products sold are registered and paid the correct taxes… since they do not bear the internal revenue stamps nor the required packaging or labeling requirements,” ayon sa liham ng PMA.


“Raising the issue on illicit tobacco and vapor products and calling for the full implementation of the tax and regulatory laws on these products is crucial in protecting the interests of the government and the public,” dagdag pa nito.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page