top of page
Search
  • BULGAR

Dedma raw sa mga ibinulgar ni James sa ex-business partner… LIZA, 'LOVE IS BLIND' SA BAGONG BF

ni Ambet Nabus @Let's See | Sep. 24, 2024



Showbiz News

Tila lumalabas na ang sinasabing pagka-stubborn ni Liza Soberano. Super-dedma kasi ang dalaga sa mga naglabasang balita hinggil sa kanyang paglayas sa Careless Music ni James Reid, pati na ang sinasabing involvement nito sa estapador diumanong si Jeffrey Oh.


Tila hindi pa rin daw ito nagigising sa katotohanan na ‘kakaibang kanegosyo’ itong si Jeffrey na pinatotohanan na nga mismo ni James ang mga nakakaloka nitong dealings at pag-misrepresent ng kanyang kumpanya.


Though, nagdarasal naman ang dating manager ni Liza na si kapatid na Ogie Diaz na sana naman daw ay magising na ito sa katotohanan at makita na ang mga totoong tao na nagmamahal at handang dumamay sa kanya.


May mga naglabasang picture na umano’y magkasama sina Liza at Jeffrey sa Singapore just recently, though sabi naman ng iba na luma na raw 'yun dahil nasa USA na ang dalawa sa ngayon.


May mga LizQuen (Liza at Enrique) fans namang sobrang nalulungkot sa balitang mukhang totoo na ngang wala na itong kaugnayan kay Enrique Gil.

Hays.

 

Napakabongga ng naging pagpapakilala kina Ms. Roselle Monteverde at sa anak nitong si Atty. Kenneth Monteverde, bilang mga CEO and President and Executive Vice President, respectively.


Ang mag-ina na nga ngayon ang  magkaagapay na magpapatakbo ng Regal Entertainment sa tulong na rin siyempre ng kapatid ni Ms. Roselle na si Dondon.


“We simply want to continue the legacies our parents, especially ni Mother (Lily) put in Regal. With your help our friends from the media, we know, makakaya namin,” sey ni Ms. Roselle na proud na proud sa abogadong anak na bumalik pa ng bansa at iniwan ang trabaho sa USA.


Karamihan ng mga empleyado ngayon ng Regal ay puro mga bagets o mga Gen Z peeps na. Tunay nga namang nag-end na ang era ng mga noo’y nagpasikat sa kumpanya dahil sa fresh and young blood na magpapatakbo ngayon.


As we reported, tatlong exciting movie projects nga agad ang ipapalabas this year ng Regal at naglalaro nga ito sa mga genres na romance-comedy na may sci-fi twist (My Future You), psychological horror (Untold) at ang social romantic drama na Guilty Pleasure (GP).


And yes, kung noong '70s and '90s ay namayagpag ang mga tinatawag na Regal babies, sa Regal Legacy this 2024 onwards ay magdi-discover din ng mga fresh and new talents ang kumpanya.


Congratulations and good luck!


 

Bumenta sa fans, kumita ng P450 M plus…

JULIA AT JOSHUA, MAGSASAMA ULI SA 1 PANG MOVIE


Joshua Garcia at Julia Barretto

KUMPIRMADONG umabot ng halos kalahating milyon ang kinita worldwide ng Un/Happy For You (UFY) movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto.


Sa idinaos na thanksgiving party para sa buong produksiyon, um-attend sina Joshua at Julia at masayang-masaya nga sila sa nabalitaang umabot ng P450 million plus ang naging box-office gross ng movie nila.


Although maaga pa raw para sabihing agad-agad itong susundan, very open naman ang JoshLia sa posibilidad na muli silang magtambal.


“Maybe next year, isa pa uli?” ang halos sabay daw nitong isinagot sa tanong kung masusundan daw ba ito agad.


May mga nabalitaan kaming may ibang scripts nang nabasa ang dalawa pero mas gusto raw nila na ibagay sa kanilang mga ‘present state’ ang susunod nilang project.


Wala naman daw silang nakikitang problema maliban sa mga individual schedules nila and projects with other artists.


Ayon sa direktor ng UFY na si Petersen Vargas, sobra siyang excited if ever mang masusundan ang project ng dalawa, though agree naman ito na dapat ay i-adapt o adjusted na ito sa “real state of being” ng dalawa.


Hmmm…. Ano kaya ang ibig sabihin nu’n, mga Ka-Bulgar?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page