top of page
Search
BULGAR

Dedma lang sa namatay na lola at tito… JAKE ZYRUS, WANTED SA MADIR

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 12, 2022




Dalawang magkasunod na trahedya ang ipinagluluksa ngayon ni Mrs. Raquel Pempengco, ang nanay ni Charice Pempengco na ngayo'y nagpalit na ng pangalan bilang si Jake Zyrus, dahil sa pagpanaw ng dalawang mahal niya sa buhay.


Sa pahayag ni Raquel sa PEP.ph, ikinuwento nitong last April 3 lang ay pumanaw ang kanyang ina na si Tess Pineda Relucio na sabi'y hindi na raw nagising. Bangungot ang tawag sa mga namamatay sa gitna ng mahimbing na pagkakatulog.


Tatlong araw lamang ang nakalipas, ang kanya namang 52-anyos na kuya na si Robert Pineda Relucio ang namatay sanhi ng aksidente sa motorsiklo.


Bukod sa pagluluksa, ang labis na ikinalulungkot ni Raquel ay ang tila hindi pagpaparamdam ng anak na si Jake. Kahit na message raw ay wala siyang natatanggap mula sa anak na ngayo'y sa Amerika na naninirahan.


Bagama't wala siyang paraan para makontak si Jake, may mensahe si Raquel sa anak.

"Wala pang paramdam si Charice hanggang ngayon. Need ko talaga ngayon ang tulong. Tulungan niya (Jake) sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko."


Simula nang sila'y magkaroon ng hindi pagkakaunawaan halos isang taon na ang nakakaraan, wala na raw silang communication ni Jake na piniling mag-migrate na lang sa US.

Pagpapakumbaba ni Raquel, kahit daw nakakahiyang humingi ng tulong sa anak ay kanyang gagawin dahil wala na raw siyang iba pang matatakbuhan lalo't hirap din sila sa buhay ngayon.



 

Masaya ang senatoriable na si Monsour del Rosario dahil noong Biyernes, Abril 8, pormal na siyang inendorso ng 1Sambayan bilang kaalyado ng Gobyernong Tapat nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.


Pahayag ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja, "Dapat tayo ay magsama-sama at magkaisa para sa ating kinabukasan. Sa darating na eleksiyon, 'wag po nating kalilimutan na meron din po tayong 12 na senador. We have to choose wisely sa mga senador na bibigyan natin ng six years para tulungan si VP Leni. We have to be discerning.


"Binibigyan po kayo ng 1Sambayan ng magandang alternatibo at kasama po rito, pang-11 sa aming listahan, isang taong tunay na nagtatrabaho at nagseserbisyo sa tao, si Monsour Del Rosario."


Si Monsour ay nagsilbi sa publiko sa loob ng 6 na taon bilang konsehal, at 3 taon bilang kongresista ng 1st District ng Makati City.


Kilala bilang "Ama ng Work From Home Law" at may-akda/sponsor ng mahigit 292 panukalang batas sa Kongreso, layunin niyang ipagpatuloy ang kanyang mabuting gawain sa Senado upang matulungan ang mga health frontliners ng bansa, mga atleta, mga batang may iba't ibang kakayahan sa pag-aaral, magsasaka at mangingisda, at iba pang marginalized na sektor ng lipunan.


Para naman kay Monsour, ang napipintong pag-upo niya sa Senado ay hindi lamang tagumpay para sa sarili at sa hangarin ng 1Sambayan na maghatid ng gobyernong tapat, kundi tagumpay para sa kinabukasan ng maraming Pilipino.


“When I was competing in taekwondo years ago, I was very proud to bear the flag of our country. That still means the same to me today. Just as I fought for the country in sports, I will be as fervent and dedicated in this fight for a seat in the Senate not for myself, but for the future of our countrymen.


"I reiterate my support for our future president, Leni Robredo, and the Angat Buhay Lahat movement because the Philippines needs a leader that cares for the youth, cares for this country, and cares for the future of our people.


"We have to choose the right leader. If we don’t choose the right leader, our problems will never be solved and will only worsen. If we don't choose the right leader, our people will only continue to suffer. Kaya piliin natin ang gobyernong tapat dahil dito aangat ang buhay ng lahat," wika ni Del Rosario.

0 comments

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page