top of page
Search
BULGAR

Dec. 31, 2023 sa LA, California… ANGELICA AT GREGG, IKINASAL NA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 1, 2024





Dalawang selebrasyon ang naganap sa buhay ng aktres na si Angelica Panganiban at ng partner niyang si Gregg Homan na ama ng anak niyang si Baby Bean o Amila Sabine Homan bago magtapos ang taong 2023.

Bukod kasi sa selebrasyon ng Bagong Taon, sinelyuhan na ng dalawa ang kanilang pagmamahalan dahil ikinasal sila kahapon, Disyembre 31, base ito sa post ng aktres sa kanyang Instagram account.

Ipinost ni Angge ang wedding picture nila ni Gregg at ipinakita rin ang kanilang wedding rings na sa tingin namin ay isa itong garden wedding na ginanap sa Los Angeles, California, base sa background. May larawan din ang kanilang anak na si Baby Bean.

Ang caption ng aktres sa mga larawan ay, “123123 (December 31, 2023). Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan. Maligayang bagong taon - Mrs Angelica Panganiban Homan.”

Present ang best friends forever ni Angelica na sina Bela Padilla at Kim Chiu para sa importanteng okasyon ng kaibigan nila.

At kaya nalamang sa ibang bansa ikinasal sina Angelica at Gregg ay dahil sa location na nakalagay kina Bela at Kim.

Ang caption ni Bela sa larawang ipinost niya sa kanyang IG account ngayong hapon ay, “The drought is over (emoji heart). Congratulations, Mr. and Mrs. Homan. The best day ever.”

Si Kim naman ay ipinost ang ilang larawang nakunan niya habang pinupunasan ni Gregg ang kanyang mga mata dahil sa kaligayahan.

Ang caption ni Chinita Princess sa mga larawan nila sa kasal, “12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another. Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan.🥰

“I felt blessed to witness this beautiful ceremony. 🥹 I can’t miss this! (emoji smiling face) Love you, Momsy Angge! Thank you, @gregg_homan for loving our momsy. Alagaan mo ang momsy namin forever!”

At ang hashtag ni Kim ay, “#ANGBEKI IS EXTRA EXTRA HAPPY!!! Momsy @bela, I am glad to experience this with you!”

“𝑳𝒐𝒗𝒆 𝒊𝒔 𝒑𝒂𝒕𝒊𝒆𝒏𝒕, 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒊𝒔 𝒌𝒊𝒏𝒅." 1 𝑪𝒐𝒓𝒊𝒏𝒕𝒉𝒊𝒂𝒏𝒔 13:4

Sinagot ni Angge ang post ni Kim, “Mahal kita sagad hanggang buto. Thank you sa lahat today momsy.”

Say naman ni Bela, “You’re the best wedding buddy!!!”

Samantala, binati naman ang mag-asawa ng kanilang showbiz friends tulad ni Direk @tonetjadaone, “WAHHHHH (two hearts emoji at hearts).”

Sinundan ito ng aktres na si @msderossi, “Ahaaaa!!!!! Congratulations!!!!!”

Sabi ng naging leading man ni Angelica na si @onlyzanjoemarudo, “Mabuhay kayo Homans (heart emoji).”

Pawang heart emojis naman mula kina Agot Isidro, Gela Atayde at iba pa.

Hindi rin nakalimot ang nakasama ni Angge sa seryeng Apoy sa Dagat (2013) na si @regineangeles, “Congratulations and Best Wishes!”

Ang US based na si @yamconcepcion ay bumati rin, “Best wishes @iamangelicap.”

Ang Star Magic handler ni Angelica na si @ cristapang10, “Congratulations deserve na deserve Mrs Homan.”

Gayundin ang aktres na si @msbarbieimperial, “Congrats ate!!!”

Ang TV host na si @luckymanzano, “Congrats!”

Mula kay Maris Racal, @mariesteller, “ANG GANDANG BRIDE!!!!!! Congrats sa inyo!”

Say naman ng aktor na si @ketchup.eusebio, “Hayerp sa date! Cheers to a lifetime of quirky adventures and happily-ever-afters!”

Si @annecurtissmith, “Congratulations Mr & Mrs Homan!”

Sabi naman ni @missizacalzado, “Congratulations and Best Wishes!!!”

At marami pang ibang bumati sa bagong kasal.

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page