ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 2, 2025

Photo: Rhian at Sam Verzosa - Instagram
Para lang may konek sa title ng bagong lifestyle show ni Rhian Ramos sa GMA-7 titled Where In Manila na nagkaroon ng grand mediacon just recently sa Winford Hotel in Sta. Cruz, Manila, at tutal ay kasama rin niya sa Q&A portion ang love of her life na si Dear SV a.k.a. Sam Verzosa na tatakbong mayor of Manila this coming 2025 election, ay tinanong ni yours truly ang dalawa na kung sakaling magpapakasal na sila, sa Manila ba gagawin and WHERE IN MANILA?
“Ahhh, SAM-where (somewhere) in Manila,” patawang sagot ni Rhian dahil katunog din ng salitang SOME... ang first name ni Dear SV host Sam Verzosa.
“Ako, masasagot kita… ‘Pag nangyari ‘yan, for sure sa Manila talaga gagawin. Maybe sa Quiapo Church kasi deboto ako ng ating Poong Nazareno.”
Wow, very religious pala si Dear SV, ‘noh? Devoted siya sa ating Poong Nazareno at siyempre, devoted rin siya of course kay Rhian na puwedeng ang maging theme song nila ay Hopelessly Devoted To You na isa nang old hit song.
Si Rhian, tumawa lang sa naging kasagutan ni Dear SV at pabirong nagsabing sana nga raw, matuloy ang kasal nilang dalawa when the right time comes along.
Oo nga naman, kung sila talaga ang magkapalad, sila talaga ang meant-to-be mereseng anywhere in Manila sila ikasal, boom ganern!
‘Niwey, “Boo” ang tawagan nila sa isa’t isa na ewan kung “boomerang” ba ang meaning o “Labu-boo”. Tanging sila lang ang nakakaalam, in pernes.
Wish pa ni Dear SV kay Rhian, sana raw sa Where In Manila lifestyle show ng dyowa ay ma-inspire nito ang marami nating kababayan na maipakita ang kagandahan ng lungsod ng Maynila.
Si Rhian naman ay super excited sa pagho-host ng kanyang bagong lifestyle show.
Aniya, “I am so excited to be hosting this show na Where In Manila ‘coz it’s not just going to be a learning experience for our audience at siyempre sa ‘kin din. Alam n’yo naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things and foods that I’ve never eaten before and seeing places that I’ve never been before.”
Mapapanood ang Where In Manila lifestyle show nitong si Rhian tuwing Sabado at 11:30 PM sa GMA-7 simula this coming March 8.
So, huwag n’yong palagpasin ang panonood nitey, mga kababayan natin diyan sa Manila, okidoki?
NAKAKUHA ang action-drama series ng ABS-CBN na Incognito ng all-time high viewership record nang magtala ng 997,260 peak concurrent viewers sa episode nito noong Biyernes (Peb. 21) matapos abangan ang kahihinatnan ng mga rogue mission ng ‘Kontraks’.
Dalawang beses na nakapagtala ng all-time high viewership record ang serye noong nakaraang linggo matapos unang makakuha ng 851,693 viewers noong Miyerkules (Peb. 19).
Nananatili rin ang Incognito bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang pinakapinapanood na serye pa rin ito sa iWantTFC.
Comments