ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 27, 2024
Nanganib ang buhay kamakailan ng veteran actress na si Deborah Sun nu'ng mag-taping siya sa Batang Quiapo ni Coco Martin.
The following ay ang kanyang naging PM kay yours truly that goes…
"Naaksidente ako sa taping ng Batang Quiapo. Nilagyan ng cast ang upper arm ko hanggang balikat.
"'Yung mukha ko, bumagsak sa lapad na semento kaya maga ang mukha ko, pikit-mata 'ko. Para akong binugbog.
"Pero importante, nagawa ko nang tama 'yung mga eksenang ipinagawa sa akin.
"Habang take. Habulan ang eksena, barilang eksena, pero na-out of balance ako, bumagsak ako padapa. Mukha ko ang unang tumama sa sahig na semento. Nang iharap ako, pati pala balikat at braso, hindi ko na maikilos.
"Isipin mo, napasubsob ako talaga sa lapad na semento, bagsak talaga ako, plakda pati buong mukha.
"Pero aksidente naman iyon. Importante, nagawa ko pa rin iyon dapat gawin sa eksenang iniutos sa akin. Kaya no regrets. Tanggap ko dahil may mga aksidente talagang hindi maiiwasan lalo na sa mga buwis-buhay na eksena," pagtatapos ni Deborah Sun.
Naku, sa susunod, ingatz-ingatz lang, friendship Deborah Sun, lalo na ngayong nabigyan ka uli ng chance na maka-acting sa Batang Quiapo ni Ccco Martin, 'noh!
In pernes, hindi naman siya pinabayaan ng mga co-stars at director niya, plus Coco Martin, at agad siyang dinala sa ospital.
Kaya naman, gusto niyang ipaabot ang pasasalamat kina Sen. Lito Lapid sa tulong na ipinadala sa kanya, Ara Mina, Lorna Tolentino, at tiyuhing si Phillip Salvador na sobra raw nag-alala sa kanya.
Maya't maya ay text daw nang text at tawag nang tawag ang mga ito at kinukumusta ang kalagayan niya.
"And siyempre, sobrang nagpapasalamat din ako kay Direk Coco Martin at sa ABS na hindi nila ako pinababayaan. Sagot nila lahat ang gastos dito sa hospital. Tawag nga rin nang tawag iyong field cashier ni Direk Coco at kinukumusta ako, kung ano raw kailangan, text or tawag agad sa kanila. Salamat talaga kina Sen. Lito, Ara Mina, LT, Tito Phillip and Direk Coco Martin and ABS."
Ngayon pa lang kumikita si Deborah Sun buhat nang mapasama siya sa Batang Quiapo.
Mula kasi nang manggaling siya sa USA ilang taon na ang nakararaan ay wala na siyang career na binalikan dito kung kaya pinatira na lang siya nang libre ni Ara Mina sa isa sa mga condo nitey, plus kasama niya ang kanyang pamilya.
Tapos, heard na binigyan din siya ni Ara Mina ng kotse upang magamit niya sa mga tapings or shootings at sabi pa ni Deborah or Gigi as we fondly call her ay magagamit din niyang pang-negosyo as Grab service kapag wala siyang raket para nga naman sa panggastos nila ng pamilya niya sa araw-araw.
Well, sana ay marami pang katulad ni Ara Mina na tumutulong nang walang kapalit sa mga needy ones lalo na sa kanyang kapwa artista at sana, pati rin sa mga entertainment writers na needy ones din, boom 'yun na!
Samantala, ang latest update sa amin kahapon ng anak ni Deborah, "Kagagaling lang po rito ng ortho surgeon. Ang sabi po is need daw po ni Mama magpa-therapy para makapag-upo and tayo and kilos siya without damaging the fracture since healing pa po.
"So while here po, papa-therapy po siya and then once okay na po sa pag-upo and tayo, puwede na po siya ma-discharge. But once ma-discharge po siya, need daw po bumalik every 2 weeks for X-ray to check if okay 'yung pag-heal nu'ng buto which could take around 2-3 months daw po.
"And if ever makita sa X-ray na na-dislocate po 'yung bone, there is a possibility daw na maoperahan. Also, if ever daw po matapos na 'yung cast and mag-heal 'yung buto pero masakit pa rin 'yung sa side ng fracture, they will need to do an MRI daw po to check if may napunit na ligament sa area na 'yun, aside sa bone fracture na nangyari.
"And if ever na meron daw po, they will need po na mag-opera rin daw po. Pero if all is well after the cast daw po, baka therapy lang naman daw po ang need kasi normally 'pag gano'n daw po katagal 'yung cast, nahihirapan na raw pong galawin 'yung part ng body na 'yun kaya need for therapy if ever po."
Pagaling ka agad, our dear friendship.
'Yun lang and I thank you.
Commentaires