ni Jasmin Joy Evangelista | November 8, 2021
Umabot na sa 42 ang natagpuang patay habang 15 naman ang survivors sa gumuhong 21-storey building sa Lagos, Nigeria.
Hindi pa natutukoy ang dahilan ng pagguho ngunit karaniwan na ang building collapses sa Africa sapagkat hindi binibigyang-pansin ang construction standards.
"We have a total of 42 bodies that have been recovered," ani Governor Babajide Sanwo-Olu.
Ang high-rise building na matatagpuan sa Ikoyi district na isinasailalim sa construction ay bumigay noong Lunes.
Nitong Biyernes, ibinalita ng mga awtoridad na siyam ang mga survivors.
Ngayong weekend naman, nadagdagan pa ang bilang ng mga survivors matapos makilala ang anim na iba pang nakaligtas sa insidente.
Una nang sinabi ni Sanwo-Olu na hindi nila alam ang eksaktong bilang ng mga nasa loob ng gusali nang maganap ang insidente pero mayroon umanong 49 na pamilya ang nag-report na nawawala ang kanilang kamag-anak.
“DNA examination was being undertaken on some of the bodies difficult to be identified,” ani Sanwo-Olu.
Nagbigay na rin ang kanilang pamahalaan ng tulong para sa pagpapalibing sa mga biktima at nagpaabot ng financial support para sa mga survivors.
Ayon pa sa gobernador, ang insidente ay maituturing na "terrible national disaster," at dagdag niya, "mistakes were made from all angles."
Nag-set up na si Sanwo-Olu ng independent panel upang alamin ang mga posibleng dahilan ng pagguho.
Nagdeklara rin ito ng tatlong araw na pagdadalamhati simula noong Biyernes.
Comments