ni Thea Janica Teh | December 9, 2020
Mas palalawigin pa ang pagpapasa ng aplikasyon ng mga health workers sa COVID-19 hazard pay, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules. Ito ay matapos magreklamo ang ilang grupo ng health workers tungkol sa 1-day deadline sa pagpapasa ng mga requirements.
Nakipagkita na ang Center for Health Development (CHD) for the National Capital Region sa union leader ng mga grupo ng health workers at Hospital Industry Tripartite Council kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang sabihin na iuusog na ang deadline ng application ng hazard pay sa katapusan ng linggo.
Kaya naman maaari pang makapagpasa ng hanggang Disyembre 11, Biyernes, 5:00 ng hapon ang lahat ng kuwalipikadong health workers.
Bukod pa rito, sinagot na rin ng DOH ang napuna ni Senator Riza Hontiveros na napagsamantalahan ang lahat ng health workers sa ating bansa at sinabing nakapaloob na umano sa Joint Circulars Nos. 1 & 2 s. 2020 of the DOH and the Department of Budget and Management ang mga guidelines sa pagbibigay ng Active Hazard Duty Pay (AHDP) at Special Risk Allowance (SRA).
Sinisigurado naman ng ahensiya sa mga health workers na tutulungan ng CHD ang ospital sa pagpapatupad ng guidelines.
Aniya, “The DOH reminds implementing units, including hospitals and health facilities, to be more facilitative in the processing of these benefits. While hospitals and other health facilities may request additional requirements and impose deadlines with a view to expediting the release of AHDP or SRA, these impositions should not unduly burden our HCWs.”
Ang pagbibigay umano ng benepisyong ito ay nakapailalim din sa Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act.
コメント