top of page
Search
BULGAR

De Ocampo, nagretiro, pero asst. coach na ng TNT KaTropa

ni Alvin Olivar - @Sports | July 1, 2020




Kinuha ng TNT KaTropa bilang assistant coach ang dati nilang manlalaro na si Ranidel De Ocampo matapos magretiro kamakailan sa paglalaro.


Ito ang anunsyo ni TNT team manager Gabby Cui kahapon na kung saan sasama na sa coaching staff na pinamumunuan ni head coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel.


“Coach Ranidel brings us a wealth of championship experience and basketball knowledge that will definitely help our team reach our aspirations for another championship,” saad ni Cui sa panayam ng 2OT at ng SPIN.ph.


Nagretiro si De Ocampo kamakailan matapos maglaro ng dalawang taon sa Meralco Bolts. Ngunit bago siya napunta sa Bolts ay naglaro ng siyam na taon si De Ocampo sa Talk ‘N Text kung saan nagwagi siya anim na titulo at dalawang finals MVP sa koponan.


Dahil rin sa kanyang paglalaro sa Talk ‘N Text ay napili si De Ocampo bilang parte ng Gilas Pilipinas noong 2013 kung saan nagwagi ng silver medal ang koponan dahil na rin sa kanilang panalo kontra South Korea sa semifinals.


Nalipat mula TNT hanggang sa Meralco si De Ocampo matapos ang isang trade na nagdala rin sa 2019 draft pick ng KaTropa sa Bolts.


Ayon sa ulat ng SPIN.ph, ang pagkuha kay De Ocampo ay matagal ng plano ng koponan at wala itong kinalaman sa pagkakaalis kay Tab Baldwin bilang assistant coach ng KaTropa dahil sa mga kanyang mga kontrobersyal na mga komento kamakailan tungkol sa basketbol sa Pilipinas.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page