top of page
Search
BULGAR

De Los Santos, naka-22nd gold medal sa Online Tourney

ni Gerard Peter - @Sports | November 18, 2020




Sinipa ni Karate online sensation Orencio James “OJ” De Los Santos ang ika-22nd gold medal at ika-apat na titulo ngayong Nobyembre sa katatapos lang na Athlete’s E-Tournament #2 upang patuloy na maghari sa men’s individual senior kata event sa panahon ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.


Kasunod ng kambal na panalo para sa kanyang ika-20th at 21st titulo sa World virtual online individual kata tournament sa Okinawa eTournament World Series #2 at Nox Dojo Markham City Open eTournament, isang araw pa lamang ang nakalilipas nang muling selyuhan ng 30-anyos na dating national team standout ang panibagong kampeonato sa paggaping muli kay Domont Matias Moreno ng Switzerland, 25.4-24.6 sa championship round.


Magkasunod na panalo ang kinuha ni De Los Santos laban kay Moreno na kanya ring tinalo sa Nox Dojo Open sa pamamagitan ng 25.3, 24.2 panalo.


It feels great to win my 22nd gold after winning my 20th and 21st last time around . But I know that there's still more room to improve on my performance. I can't remain complacent,” pahayag ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar Sports sa online interview.


It makes me much happier seeing my MKKPI students winning as well,” dagdag nito ng magwagi rin ng medalya sa Okinawa tourney sina Julia Ian Marcos ng dalawang gold medal sa Individual Female Seniors at Individual Female U21; dalawang silver medal kay Fatima A-Isha Hamsain sa Individual Female U15 at U16 Kumite Mix; at Christina Karen Colonia bronze medal sa Individual Female U18.


Ito na ang ikatlong titulo ng De La Salle University Accountancy graduate ngayong buwan ng Nobyembre kasunod ng panalo nito noong nakalipas na 2 linggo para sa kanyang ika-19th titulo sa e-Champions Trophy World Series 2 laban kay Silvio Cerone-Biogioni ng South Africa; na nakatuon ang atensyon sa mga laban sa online competition kahit na magtapos na ang pandemya sakaling magkaroon na ng vaccine para sa lahat.


Matapos ang 7 buwan na pakikipaglaban para sa inaasam na numero-unong posisyon sa pandaigdigang kumpetisyon ay nakamit rin ng International Shotokan Karate Federation karateka ang No. 1 spot sa pamamagitan ng kampeonato sa 1st Euro Grand Prix Tournament, E-Karate Games 2020 at Golden League Karate E-Tournament Series 2, upang malampasan si Eduardo Garcia ng Portugal para sa kanyang ika16th at 15th at 14th title.


Ang iba pang mga titulo ng 6th-time Philippine National Games champion ay nagmula sa Hatamoto Kai Mitad Del Mundo E-tournament, SportData E-Tournament World Series 4th edition, Tokaido Maribor Open E-Tournament, E-Champions Trophy World Series, 2nd Dutch Open E-Tournament, Miyamoto Musashi – Five Rings E-Tournament, Sportsdata E-Tournament: Athletes E-tournament Cash Award Series 1 ranked event championship, Korokotta Cup 2020, Palestine International Karate Cup, Balkan Open E-tournament-Kata/Kumite Ranked at E-Karate Games 2020.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page