top of page
Search
BULGAR

De Lima, happy na kumikilos ang gobyerno vs. VP Sara

ni Eli San Miguel @News | Nov. 28, 2024



Photo: Leila de Lima at VP Sara Duterte - OVP


Inihayag ni dating Senador Leila de Lima ngayong Huwebes, na ikinatuwa niya ang balitang pinag-aaralan ng pulisya at Department of Justice ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Bise Presidente Sara Duterte.


Ito’y kasunod ng pahayag ni Duterte na inutusan umano niya ang isang tao na patayin sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez kung siya ay mapatay.


“Precisely kaya umaaksyon ngayon ang estado through its relevant agencies, para maipakita na walang sino man ang mas mataas kaysa sa batas,” ani de Lima said sa isang interbyu ng Teleradyo.


“Ito ang pagsasampa ng iba’t ibang kaso, na medyo nagagalak tayo na nag-uumpisa na ang estado sa DOJ through the NBI,” paliwanag niya.


Iginiit ni De Lima na kailangang ipakita ng estado kay Duterte na dapat siyang managot sa batas.


“Unang-una, kailangan ipakita talaga sa kanya na hindi siya nakakataas sa batas. Ipakita sa kanya na may mga proseso ang batas, ang Konstitusyon,” ayon kay de Lima.


“Kasi ‘yung asal nga nya na parang she’s above all of this, that she’s above accountability. So ipakita talaga ang pwersa ng estado — executive department, judicial department and even the legislative department,” dagdag pa niya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page