top of page
Search

De Lima, absuwelto na sa lahat ng kaso sa droga

BULGAR

ni Eli San Miguel @News | June 24, 2024



News


Ibinasura na ng Muntinlupa Regional Trial Court ang huling drug case na isinampa ng administrasyong Duterte laban kay dating Senador Leila de Lima.


Inihayag ng abogado ni De Lima na pinagbigyan ng korte ang kanilang demurrer to evidence, na nagpapalaya sa nasasakdal mula sa lahat ng mga drug case na isinampa laban sa kanya.


“Demurrer is granted,” pahayag ni Atty. Boni Tacardon kaugnay sa desisyon ng korte. Inilalarawan ang 'demurrer to evidence' bilang hakbang sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure upang i-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.


Sinasabi ng akusado na hindi sapat ang ebidensya upang patunayan ang kaso, anuman ang katotohanan nito. Kapag pinagbigyan ang hakbang na ito, maibabasura ang kaso na tulad ng pagpapawalang-sala.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page