ni Gerard Arce @Sports | February 22, 2024
Mahusay ang pagkakasalo sa floor defense ni Lyka May De Leon para sa DLSU Lady Spikers upang mapalaso ang pagsugod ng FEU Lady Tamaraws para sa panibagong pangwawalis sa straight set 25-20, 25-17, 25-22, kahapon, sa unang laro ng 86th UAAPwomen’s volleyball tournament sa Araneta Coliseum.
Matagumpay na napalitan ng sophomore libero na si De Leon ang pwestong iniwan ni Justine Jazareno na tumuntong ng professional league para itala ang double-double sa kabuuang 16 excellent digs para dalhin ang defending at reigning champions La Salle sa maagang liderato, 2-0 kartada.
Patuloy na nanguna sa puntusan si reigning Rookie/MVP Angel Anne Canino sa paglista ng 13 puntos mula sa 11 atake. Nag-ambag din si towering spiker Shevana Laput ng 10 puntos mula sa 8 kills at 2 blocks, habang may 8 puntos sina middle blocker Thea Gagate mula sa 5 atake. “Medyo nag-struggle nga kasi sobrang erratic, parang tentative yung galaw nila. Pinaalalahanan lang namin na bumalik sa sistema,” saad ni assistant coach Noel Orcullo na hindi kuntento sa laro ng Lady Spikers.
Walang manlalaro sa Lady Tamaraws ang tumapos sa doble pigura nang lumista si Gerzel Petallo ng 7 puntos mula lahat sa atake kasama ang 10 excellent receptions at 8 excellent digs, habang may tig-anim na puntos sina Faida Bakanke at Ched Tagaod. May 6 puntos na ambag si Alyzza Devosora sa apat na atake at tig-isang ace at block kasama ang 7 digs at 4 receptions, samantalang mayg 11 excellent sets si Tin Ubaldo.
Comments