top of page
Search
BULGAR

DBM OIC Canda, nagpositibo sa COVID-19


ni Lolet Abania | August 23, 2021



Kinumpirma ni Department of Budget and Management (DBM) Officer-in-Charge Undersecretary Tina Rose Marie Canda ngayong Lunes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19 subalit nananatiling asymptomatic.


Ayon kay Canda, isinailalim siya sa test sa COVID-19 nitong Linggo, Agosto 22, bilang preparasyon para sa pagsusumite ng proposed 2022 national budget sa Congress ngayong Lunes.


“Our routine exam before going to those events, usually we have an antigen. I wanted to have an RT-PCR, so the RT-PCR came out positive. I’ve had a history of false positives, so I just had myself re-swabbed. Apparently, I’m asymptomatic but I hope it stays that way,” sabi ni Canda sa isang phone interview.


Sinabi rin ng opisyal na naka-quarantine siya sa kanyang tirahan habang patuloy sa kanyang trabaho bilang DBM OIC lalo na’t nananatili siya sa ganoong kondisyon.


“I’m in quarantine right now. I’m not even getting out of my room. I still function, I still do my work here inside my room in my house,” aniya.


Matatandaang si Canda ay itinalagang DBM OIC noong Agosto 2, 2021, matapos na ang dating Budget Secretary na si Wendel Avisado ay nag-medical leave dahil sa pakikipaglaban nito sa COVID-19.


Noong Agosto 13, inianunsiyo ang resignation ni Avisado makaraang ma-admit sa ospital ng walong araw at ma-quarantine nang halos isang buwan.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page