top of page
Search
BULGAR

Dayuhang mananatili sa ‘Pinas ng higit 1-buwan, aprub sa IATF

ni Lolet Abania | February 10, 2022



Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga papasok na mga dayuhan na nais na manatili sa Pilipinas ng lampas sa 30-araw, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.


Sa Laging Handa public briefing ngayong Huwebes, sinabi ni Nograles na inamyendahan ng IATF ang kanilang guidelines mula sa ilalim ng Resolution 160-B ng bagong inisyung Resolution No. 160-D.


“Ibig sabihin, ‘yung citizens coming from the 157 countries under EO408 series of 1960 as amended, who intend to stay beyond 30 days for purposes other than tourism or leisure, may enter the Philippines through an entry exemption document issued under existing IATF rules and regulations,” sabi ni Nograles.


Ayon sa opisyal, dapat na ang mga travelers ay fully vaccinated na, maliban lamang sa mga batang below 12-anyos na bumibiyahe kasama ang kanilang fully-vaccinated na mga magulang.


Kailangan na mayroon silang tinatanggap na proof of vaccination at may negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras bago pa ang petsa at at oras ng departure mula sa bansang pinagmulan o first port of embarkation.


Una nang sinabi ni Nograles na inaprubahan na ng IATF, ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na i-recognize o tanggapin ang COVID-19 vaccination certificate ng apat pang mga bansa kabilang ang Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste.

0 comments

Recent Posts

See All

Hozzászólások


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page