top of page
Search
BULGAR

Dayuhan sa edukasyon

ni Josiah Seff J. Bacani @Special Article?! | April 22, 2024



Sa PISA 2022 ranking, ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na may pinakamababang literacy at numeracy skills sa buong mundo at kitang-kita iyan dahil sa mga estudyanteng napag-iwanan na sa matematika at lalo na ang mga estudyanteng hindi marunong magbasa.


Kaya naging usapin ngayon sa joint session ng Senado at Kongreso ang Resolution House Bill No. 6 na naglalayon ng full foreign ownership sa edukasyon na sya namang binatikos ng ilan, ngunit hindi natin maitatanggi na sa kalagayan ng sistema ng edukasyon ng bansa ay kailangan ng progresibong pagkilos na magpapataas sa kalidad ng edukasyon.


Ikinakabahala ng ilan na ang aksyong ito ay magdudulot ng kawalan ng nasyonalismo, pagpapahalaga at kultura, ngunit ang mga ito ay mas lalong mapagtitibay sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.


Dahil sa dumaraming bilang ng mga estudyante,  hindi na nakakayanan ng mga pampublikong paaralan ang demand, kaya nagsisiksikan ang 45 o higit pang mga estudyante sa isang klasrum na napakainit, walang maayos o sapat na silya at kakulangan sa mga learning materials na nakapagpapababa ng moral ng mga estudyante na nagiging hadlang sa maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral. 


Ang pagpasok ng mga foreign owned schools ay makakatulong upang masolusyonan ang dekada ng suliranin na ito sa sektor ng edukasyon.


Dagdag pa, ang matagal nang hinaing ng mga guro ay ang mababang suweldo kumpara sa mga kapitbahay nating bansa tulad na lamang ng bansang Indonesia na ang basic salary ng isang guro ay P50k, habang dito sa Pilipinas ay P27K lamang. Ang isyung ito ay mareresolba ng foreign ownership sa edukasyon dahil ang mga bagong paaralan na ito ay may mas malalaking pondo kumpara sa mga pampublikong paaralan.


Ang foreign ownership sa ating edukasyon ay magbubukas ng maraming oportunidad sa ating mga kabataan, maiaangat nito ang kalidad ng edukasyon at tutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.


Nararapat nating bigyan ang mga magulang at estudyante ng karapatan na pumili ng paaralan na magbibigay ng kalidad na edukasyon at tutulong sa kanila na magkaroon ng magandang kinabukasan at ito ay mag-reresulta sa isang bansa na mayroong mga mamamayan na may sapat na kasanayan at talino na kailangan upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng ating mundo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page