top of page
Search
BULGAR

Daya lang daw… KC, PUMAYAT NA, AYAW PA RING KAGATIN NG MADLANG PIPOL

ni Ambet Nabus @Let's See | August 23, 2024


Showbiz News
Photo: KC Concepcion / IG

May mga bashers na hindi naniniwalang pumayat na si KC Concepcion at sinasabing ‘filtered’ lang ang mga latest pics na nasa Instagram post ng aktres-entrepreneur. Magaling lang din daw itong umanggulo. 


Kumpara kasi sa mga previous posts nito, bina-bash si KC na tila nanganak na umano dahil sa lapad ng katawan.


Pero sa latest pics nga ni KC na amin ding nakita, tunay namang mas pumayat ito kaya’t lumabas lalo ang ganda ng mukha nito, plus nagmukha siyang seksi. 


May mga nagsasabi namang dapat lang na magpapayat ang dalaga dahil kinarir na rin ng kanyang inang si Mega ang pagpapabawas ng timbang.


Well, ayon sa aming nakausap na big fan ni KC, masaya ang buhay-pag-ibig at maayos naman ang mga negosyong pinasok nito. Na kahit hindi na talaga siya mag-showbiz ay keri niyang magbuhay-reyna. 


But still, marami pa rin ang nagtatanong kung may plano ba itong mag-asawa.


 

Ay, keri namin ang pagtatanggol ni Konsehala Angelu de Leon sa ginawa niyang birthday community veggie pantry. 


Totoo namang dati na niyang ginagawa ang ganu'n sa mga constituents niya sa Pasig City. 


Grabe kasi ang natanggap na bashing ni Angelu dahil sa putol na ‘upo’ na kasama ang ampalaya, talong, at okra bilang mga gulay na ‘token’ niya sa mga taga-Pasig. 


Sa post ng konsehala, itinuloy nitong personal niyang ‘effort’ ang ginawang pagbibigay ng mga naturang gulay. At napatunayan nga niyang hindi kasya ang P64 bilang isang araw na budget for a meal.


Ipinagtanggol din niya ang ginawa niyang pag-promote ng Pulang Araw (PA) series na kasali siya dahil maganda at makabuluhan ang naturang show sa GMA-7. 


Yes, kapuri-puri ang show dahil sa historical and period theme nito bukod pa sa husay gumanap ng mga artista rito, kasama na nga ang pagkokontrabida ni Angelu de Leon.


 

Popular sa socmed (social media) ang Sweetnotes couple na sina Jeffrey at Charlotte Mae Bactong. Sila ang singing couple na nakilala dahil sa socmed dahil sa music and content nila habang nagsisilbi silang OFW sa bansang China. 


Pero gaya ng ibang OFWs na naipit sa pandemic, hindi na sila nakabalik uli abroad to work.


Mayroon silang 4 million followers sa Facebook (FB), habang ang kanilang YouTube (YT) channel ay mayroon na ring 1.3 million subs, at may daan-daang libo na ring views ang kanilang TikTok at Spotify accounts.


“We are thankful that many people loved our music, and now our content. Hindi rin namin ine-expect na aangat talaga ang Sweetnotes since ang gusto lang talaga namin before is ma-document ang mga memories and songs namin para next time, ‘pag tumanda na kami, may mapapanood kami at ang mga anak namin,” sey ng couple na magkakaroon ng series of shows sa maraming states sa America beginning this October hanggang December this year.


Nasilip namin ang kanilang YT channel at nakakatuwang marinig ang mga kanta nilang nag-vary mula sa '60s hanggang sa current 2024 sounds. 


“Inia-adjust kasi namin ang aming repertoire depende sa audience namin. One thing na natutunan namin nu’ng nasa abroad kami. ‘Pag medyo oldies na, siyempre, oldies din ang sound namin, kapag new gen naman, bagong sound and music din,” saad nila.


Among the US cities na kanilang pagtatanghalan ay ang Chicago, Indiana, San Francisco, New York, Arizona, Los Angeles, Las Vegas, Seattle, San Diego, Colorado, Washington DC, Hawaii, and Maui.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page