ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 17, 2024
Mainit na usapan ngayon sa showbiz at social media ang pagsabog ng kontrobersiyal na isyu tungkol sa diumano’y pagkakadawit nina Anthony Jennings at Maris Racal sa high-end na drug suppliers na kumakalat sa mundo ng mga celebrities.
Ang lahat ng ito’y nagsimula nang maglabas ng screenshots ang girlfriend ni Jennings na si Jam Villanueva, na may mga diumano’y usapan ang aktor sa isang supplier.
Bagama’t blurred ang ilang detalye sa screenshots tulad ng contact number ng supplier, may mga tanong na nagsisimulang sumiklab sa publiko.
“Smoke Then F**k”– ito ang matapang na statement na tumatak sa screenshots na ibinahagi ni Villanueva.
Marami ang naniniwalang tumutukoy ito sa paggamit ng bawal na gamot. Dahil dito, kumpirmado nang iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isyu at humihingi ng unedited screenshots mula kay Villanueva para malinawan ang buong kuwento.
Plano rin nilang imbitahan para sa questioning sina Villanueva, Jennings at Racal.
Actually, hindi lang PDEA ang nakatutok sa isyu, sumali na rin sa eksena ang Senado. Sina Senator Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Jr., Risa Hontiveros at Ronald “Bato” dela Rosa ay nagkakaisa sa panawagang linisin ang entertainment industry mula sa masamang impluwensiya ng illegal drugs.
Ani Estrada, “We need to ensure that our artists and workers in the entertainment industry are protected from these dangerous influences.”
Nagbigay din ng pahayag si Dela Rosa na Chairman ng Senate Committee on Illegal Drugs, “This investigation aims to reveal the identities of those enabling these illegal activities. We will not allow this issue to grow further.”
Dahil dito, inaasahang ipapatawag sina Racal, Jennings at Villanueva sa Senate hearing upang mailahad ang kanilang mga salaysay.
Habang kabi-kabila ang reaksiyon ng madlang pipol, marami ang nagtatanong — bakit nga ba biglang naglabas ng screenshots si Jam Villanueva? Para ba ito sa hustisya o para sa clout?
Ang iba, naniniwalang eksena lang ito. Pero ang iba’y sinasabing isa itong matapang na hakbang para mabuksan ang mata ng showbiz sa tumitinding problema ng droga.
Ayon sa mga kritiko, hindi na bago ang ganitong isyu sa industriya. Marami nang artista ang nasangkot sa illegal drugs noong mga nakaraang administrasyon. Ngunit tila mas sophisticated na ngayon ang galawan ng mga sindikato, na umano’y target ang mga high-profile personalities.
Abangan ang Senate hearing na inaasahang magiging juicy at pasabog! Magdadala kaya ito ng hustisya o lalo lang nitong paiinitin ang isyu?
Isa lang ang sigurado, hindi pa ito ang ending, besh!
‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog
PASILIP, mga ateng! Sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival, isang malupit na entry ang pumasok at siguradong magiging usap-usapan — ang Isang
Himala (IH), ang reimagined na musical adaptation ng iconic 1982 film na Himala.
Yes, ang kuwento ni Elsa na bumago sa pananaw ng madlang pipol tungkol sa pananampalataya, himala at hysteria ay muling magbabalik sa pinilakang tabing ngayong Pasko!
Bida sa pelikula si Aicelle Santos bilang Elsa, ang faith healer na nagkaroon ng 'vision' mula sa Birheng Maria, na nakabit sa iba’t ibang kontrobersiya sa kanilang maliit na baryo.
Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Pepe Diokno — oo, siya rin ang nanalong Best Director para sa Gomburza noong nakaraang taon.
Isa raw sa mga na-hook sa pagtatanghal ay si Pepe Diokno mismo, kaya nang nagkaroon siya ng chance, siya na mismo ang nagdala ng musical sa big screen. Tarush, ‘di ba?
“First and foremost, it is a musical. A tried and tested one at that, that has won numerous awards and accolades from critics and peers,” sabi ni Bituin Escalante, na gumaganap bilang Aling Saling, ang ina-inahan ni Elsa. Peksman, she nailed this role sa stage version ng 2018, at ngayon, dala-dala niya ang husay sa pelikula.
Sey ni Bituin, “I play Nanay Saling, the woman who takes in the abandoned/orphaned Elsa. I was fortunate enough to be offered the role. There was not much difference in my portrayal. There were some added scenes but not much was changed.”
Hayan mga ‘teh, wala raw masyadong nagbago sa kanyang pagganap, pero dahil pelikula ito, asahan natin ang mas cinematic na feels!
‘Ika nga niya, “With a role like this, it’s about finding the right voice for her. Character informs how she speaks, and everything follows from there.”
Pagdating naman kay Diokno, dagdag ni Bituin, “He is a truly collaborative director. He had tremendous respect for Ricky Lee’s story and Vincent de Jesus’ music, and also for the way we had interpreted it. I cannot wait to see his touch and how it will become his, as much as we have all made Himala our own.”
Ang kasaysayan at ang pamana ng Himala ay never naglaho o nawala.
Nandiyan ang tatak ni Ricky Lee, ang National Artist for Film and Broadcast Arts na siyang sumulat ng screenplay ng orihinal na pelikula ni Ishmael Bernal noong 1982, at siya ring nag-adapt nito sa musical.
Samahan mo pa ng musika ni Vincent de Jesus, at tumataginting na cast kabilang sina David Ezra, Kakki Teodoro, Vic Robinson, Neomi Gonzales, Floyd Tena, at ang shining star at super love ko na si Bituin Escalante.
Sa totoo lang, kailangan bang maniwala sa mga himala para mahalin ang kuwento ni Elsa? O sapat na bang ma-realize natin kung paano nito hinuhubog ang psyche ng Pinoy?
“I only hope that it resonates with the moviegoing public,” dagdag ni Escalante.
At sa usapin kung handa na ba tayong harapin ang mga tanong sa ating paniniwala?
Well, ang sagot ay sa sinehan matatagpuan. Ano pa’ng hinihintay n’yo, mga Ka-BULGARians? Kitakits sa December 25, ha! Let's G na sa IH.
‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog
Comments