top of page
Search
  • BULGAR

Davao, safe na taguan daw ng mga wanted… ROMNICK, MINURA AT TINAWAG NA LAOS NG MGA GALIT NA NETIZENS

ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 20, 2024



Showbiz News

Minura at tinawag na laos si Romnick Sarmenta ng mga netizens dahil sa post niya sa X (dating Twitter) kahapon na ganito ang laman: “Tanong lang: Bakit ‘yung mga pinaghahanap ng batas, madalas sa Davao natutunton? Maganda ba talagang taguan ang Davao? O may tumutulong magtago (wondering emoji)?”


Sinundan pa ito ng isa pang post ni Romnick na may paglilinaw ang aktor na hindi naman niya idyine-generalize ang lahat ng mga taga-Davao.


Dagdag niya, “The sad part is, I know some people from Davao. Respectable and honest people, so ‘di puwedeng sabihing lahat. 


“Pero bakit nga du’n safe ang mga nagtatago?”


Sa kabila ng “disclaimer” ni Romnick, may mga Davaoeño ang umalma at binash ang aktor.


Sey ng mga netizens:


“Kasi sa Davao sila naka-focus and trying to bring Davao down. Madami rin naman ganyan sa ibang lugar, ‘di lang naka-media and pinagtuunan ng pansin. Ang b*bo mo, laos ka na kasi, trying to make a noise (joking emoji).”


“Idinamay mo ang Davao talaga, 'no? Laos at hater ka lang, dilawang laos.”

“Naisip mo rin ba na propaganda lang ‘yan para sirain ang Davao? Wait, talamak ang sexual predators na mga bakla sa showbiz, ano'ng naitulong mo para puksain ‘to? May pa-post ka na ba as a cause para matigil ito? Linis muna sa bakuran para ‘di magmukhang hipokrito!”


“Really? Ganyan ba talaga tingin n’yo sa Davao or ‘yan lang napupulot n’yo dahil sa news all these years? You have to live within our provinces before you send out statements like that.”

Habang ang ibang mga netizens ay idinaan na lang sa biro ang kanilang reaksiyon sa post ni Romnick.


May mga agree naman sa tanong ng aktor. Sey ng ibang mga nakakita sa post…


“Safe haven ng mga kriminal.”


“Safe ang feeling ng mga pugante sa lungga ng mga Duterte (joking emoji).”


“That’s actually my question too…”


Sabeee?

0 comments

Hozzászólások


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page