top of page
Search
BULGAR

Davao Occidental, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol

ni Lolet Abania | January 22, 2022



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang malayong baybayin ng Sarangani sa Davao Occidental ngayong Sabado ng umaga, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ayon sa PHIVOLCS, alas-10:26 ng umaga, naitalang tectonic ang pagyanig habang ang epicenter nito ay nasa 03.27°N, 126.67°E - 275 km S 30° E ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.


Gayundin, ang lindol ay may lalim na 33 kilometers.


Naramdam ang pagyanig sa mga lugar na may intensities gaya ng Sarangani, Davao Occidental na Intensity III at Lebak, Sultan Kudarat na Intensity I.


Wala namang naitalang pinsala sa lugar subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks, pahayag ng ahensiya.


Ayon pa sa PHIVOLCS, wala ring inaasahang tsunami sa lugar.


“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” batay sa advisory ng PHIVOLCS.


Sa inisyal na report ng PHIVOLCS, ang lindol ay nakapagtala ng magnitude 6.5 sa Sarangani, Davao Occidental, subalit ni-revised din nila ito sa magnitude 6.1.


Una rito, nakapagtala naman ang PHIVOLCS ng magnitude 5.4 na lindol sa Baganga town sa Davao Oriental ng alas-4:43 madaling-araw ngayon ding Sabado.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page