ni Lolet Abania | February 26, 2022
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang malayong baybayin ng Davao Occidental ngayong Sabado ng hapon, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Alas-2:15 ng hapon naganap ang lindol na ang epicenter ay nasa layong 5.66N, 126.36E - 084 km S 70° E ng munisipalidad ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Naitala ang lindol na tectonic in origin na may lalim na 101 kilometers.
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity III sa General Santos City at sa Kiamba, Sarangani, habang Intensity I naman sa Davao City.
Wala namang naganap na pinsala matapos ang lindol subalit asahan ang posibleng mga aftershocks, ayon pa sa PHIVOLCS.
Comentarios