ni Lolet Abania | October 21, 2021
Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang mas maraming datos mula sa international health organizations hinggil sa Delta coronavirus subvariant o ang AY 4.2 subvariant, kung saan na-detect sa European nations at sa Israel.
“Naghihintay pa ng report sa international health organizations, sila naghihintay ng datos,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa isang interview ngayong Huwebes.
Ayon din kay Duque na ang naturang subvariant ay hindi pa na-classified bilang variant of concern at variant of interest.
Pinayuhan naman ni Dr. Edsel Salvana ang publiko na hindi kailangang mag-panic hinggil sa mga reports na lumalabas tungkol sa bagong subvariant.
Sinabi ni Salvana na nakatanggap sila ng impormasyon na sa naturang subvariant, dumarami ang nahahawa na katulad o bahagyang mas mataas kumpara sa Delta variant, kung saan itinuturing na itong most common lineage mula sa mga naging sample sequenced sa bansa.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ang DOH ng 4,431 Delta variant cases sa bansa.
Comments