ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | December 12, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_c5cdac4b774c4d588eff8f29fb0dfac1~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_c5cdac4b774c4d588eff8f29fb0dfac1~mv2.jpg)
Kumpirmado na ngang si Andrea Brillantes ang napili ng ABS-CBN para gumanap na bagong Dyesebel na dating ginampanan ni Anne Curtis noong 2014.
Nu'ng unang kumalat sa social media ang larawan ni Dyesebel, nakatakip pa ang mukha ng aktres na gaganap sa role.
Pero kahapon, naglabasan na nga ang larawan ni Andrea na naka-Dyesebel costume.
Kaya lang, gaano katotoo na wala pa sa line-up for 2023 shows ng ABS-CBN ang bagong seryeng pagbibidahan ni Andrea?
Sa ngayon ay hinihintay pa namin ang reaksiyon ni Andrea sa pagkakapili sa kanya at kung kailan nga ba uumpisahan ang naturang fantaserye.
JC, LUMAKING WALANG MGA MAGULANG
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_d8a7aa59946c400699254480975313f2~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_d8a7aa59946c400699254480975313f2~mv2.jpg)
Sa nakaraang Family Matters mediacon ay inamin ni JC Santos na lumaki siyang wala sa piling ng mga magulang dahil parehong OFW ang mga ito. Seaman ang tatay niya at ang ina ay sa Amerika naman nakadestino.
"Panganay kasi ako sa magkakapatid. Ang catch lang kasi sa akin, 'di ako lumaking may pamilya, kasi OFW ang parents ko. So, 16 pa lang ako, ako na bahala,” say ng aktor.
At bagama't panganay, nakaka-relate naman siya sa karakter niya sa Family Matters bilang bunsong anak dahil, “Bunso ako ng magkakaibigan. I grew up with friends. Kapag sinabi nila na, 'Hoy, mali 'yan. Ah, don't go on that path.'
"Kasi kapag parents ang nagsabi niyan, parang you hear na rebellious ka, susundin mo na lang.
Kapag kasi kaibigan ang nagsabi sa iyo nu’n, sasabihin mo, 'Is that a challenge?' So, lumaki ako na maraming bad decisions, maraming mistakes, I always learn the hard way.
“So, parang in a way, I liked the part of growing with friends kasi madali akong maging vulnerable," kuwento ni JC.
Naramdaman ba ng aktor bilang artista sa pamilya na may special treatment sa kanya?
“Ngayon with my family, my wife and daughter, actually wala. Ako pa rin ang pinagtatapon ng basura sa labas. Wala kaming ganu’n sa family. Sa relatives may konti, mas nasusungitan sila sa akin, eh,” natawang sagot ng aktor.
Pero inamin nito na kapag may get-together ay siya naman ang ‘ninong’ na ibig sabihin ay sagot niya ang handa.
Ang gaganap na magulang ni JC ay sina Noel Trinidad bilang Francisco at Liza Lorena bilang Eleonor na devoted wife sa asawang may sakit.
Ang ibang kasama sa pelikula bukod kay JC ay sina Nonie Buencamino, Nikki Valdez, Mylene Dizon, Agot Isidro, Ian Pangilinan at James Blanco. Hindi naman nakadalo sa mediacon sina Ana Luna, Ina Feleo, Roxanne Guinoo at Ketchup Eusebio.
Mula sa direksiyon ni Nuel Naval na isinulat naman ni Mel Mendoza-del Rosario at produced ng Cineko Productions for Metro Manila Film Festival 2022, palabas na sa Dec. 25 ang Family Matters.
Bình luận