top of page
Search
BULGAR

Dating partner ni Maine… ALDEN, IBINULGAR KUNG BAKIT 'DI NA NAPAPANOOD SA EAT BULAGA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 25, 2021



Nilinaw ni Alden Richards na hindi pa siya umaalis sa Eat… Bulaga!. Medyo matagal-tagal na kasing hindi napapanood ang aktor sa nasabing noontime show. Actually, since naging busy siya sa bago niyang seryeng The World Between Us ay hindi na siya nakapasok ulit sa EB!.


Pero walang dapat ipag-alala ang mga fans dahil sinigurado ng aktor na babalik pa siya sa EB!.


“Actually, opo, babalik po ako, huwag po silang mag-alala,” sey ng aktor sa recent mediacon ng TWBU. “It’s just that 'pag natatapos po kasi ang locked-in namin, meron lang po kaming ilang araw para magawa po ‘yung mga trabaho namin outside. Pero hindi po ganu’n kahaba kasi bumabalik po kami agad sa quarantine.


“Mahaba na po ‘yung 5 days, ganu’n lang po ‘yung break namin, because we really wanted to finish the show as much as we can.”


Nagpaalam naman daw siya sa Eat Bulaga! at nagsabi rin na after the soap ay babalik na siya sa noontime show.


Kahit pa nga magkakaroon ng season break ang TWBU for 2 months, ayon kay Alden ay naka-focus pa rin siya sa pag-i-improve ng sarili bilang paghahanda sa pagbabalik ng serye sa Nobyembre.


“Workout for self-improvement, of course, for the show muna. Gusto ko ‘yun muna ang focus ko ngayon kasi may mga naka-line-up nang projects na gagawin ko after The World Between Us but I want to give my full capacity here. Dito ko muna ibubuhos lahat,” sey ng aktor.


Mag-aaral din daw siya online for self-improvement pa rin.


“Financial literacy, business, also acting, everything is available online. It’s free education, that’s why du'n ko na niyu-utilize ngayon ‘yung time ko kesa naglalaro lang ako.


“Of course, I still allot time for gaming pero hindi na ganu'n kahaba. Mornings usually, I study,” aniya.


Tumatanda na rin daw siya at gusto raw niyang maging handa para sa mga darating pang pandemya if ever.


“Tumatanda na rin ako, I’m gonna be 30 on January which is a few months from now. So, gusto ko rin well-equipped ako so I can protect myself and my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or events alike na ganu’n. So, ready ako,” saad ni Alden.


Samantala, dahil sa enhanced community quarantine (ECQ), pansamantalang hindi mapapanood sa telebisyon ang The World Between Us pagkatapos ng season finale nito sa August 27.


Sa ilalim ng ECQ, hindi pinayagan ang produksiyon na magkaroon ng taping bilang pag-iingat na rin sa mas nakakahawang Delta at Lambda variants.


Sa second week of November na muling mapapanood ang serye.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page