ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 7, 2024
Naging iconic ang sari-sari store aesthetic matapos itong gawin ng K-Pop star na si Hyolyn.
Sa mga litrato na ipinost sa kanyang Instagram, makikita si Hyolyn na naka-pose na may sari-sari store sa background.
Nagsuot ang singer ng dilaw na cover-up sa ibabaw ng teal na bikini. Umupo rin si Hyolyn sa isang monobloc stool, at tampok sa kanyang background ang mga sikat na produktong Pinoy at gulay.
Ayon sa caption ni Hyolyn sa Instagram, ang photoshoot na ito ay ginawa para i-promote ang kanyang upcoming single na “Wait,” na ilalabas sa Agosto 12.
Nagpiyesta ang mga Pinoy fans sa comment section sa pamamagitan ng mga funny comments.
“Uy! Pilipins, hahahaha whoever’s tindahan is this is so lucky to feature Hyolyn!” saad sa comment na may higit sa 1,200 likes sa kasalukuyan.
“Ate, pabili pong banana ketchup,” biro pa ng isang Pinoy fan.
Sa ngayon, may higit sa 172,000 na ang likes ng post at higit sa 4,800 comments.
Si Hyolyn ay naging miyembro ng K-Pop girl group na Sistar at ng subunit nitong Sistar19 hanggang sa kanilang disbandment noong 2017. Itinatag niya naman ang record label na Brid3, at opisyal na nagtrabaho kasama ang label noong 2018.
不同类型的考试难度和要求差异显著,因此代考的费用也有所不同。比如,语言考试(如托福、雅思)通常费用较低,因为这些考试 https://www.lunwenhui.com/lxsdaikao.html 相对来说标准化程度高,且市场需求大,供需关系相对平衡。另一方面,专业性较强的课程考试(如法律、医学等)由于需要代考者具备较高的专业知识和技能,价格自然较高。此外,研究生入学考试(如GRE、GMAT)也因为其对考生的综合能力要求较高,代考费用通常较为昂贵。