ni Lolet Abania | February 18, 2022
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rizalina Noval Justol bilang bagong chairperson ng Commission on Audit (COA), ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang appointment papers ni Justol ay nilagdaan ng Pangulo noong Pebrero 17.
“We wish Chairperson Justol success in COA,” ani Nograles.
“We assure her that the government will always be supportive of COA’s efforts to ensure transparency and accountability in the use of government funds,” sabi ni Nograles.
Bago itinalaga sa COA, si Justol ay dating city accountant ng Davao City, kung saan mayor pa noon si Pangulong Duterte.
Matapos noon, nagsilbi siya sa ilalim ng Office of the President bilang Deputy Executive Secretary for Finance and Administration.
“All appointed officials are appointed based on experience, credentials, achievements, accomplishments,” pahayag ni Nograles.
“Secondly, for positions like sa COA chair... apart from the appointment, dadaan pa rin naman ng proseso ng confirmation,” dagdag pa ng opisyal.
Papalitan ni Justol si dating COA chief Michael Aguinaldo, kung saan nagtapos sa kanyang 7-taong termino noong Pebrero 2.
Comments