ni Lolet Abania | February 23, 2022
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Commission on Elections (Comelec) Commissioner Antonio Kho bilang isang Associate Justice ng Supreme Court, ito ang kinumpirma ni tribunal spokesman Brian Keith Hosaka ngayong Miyerkules.
Si Kho, kabilang din sina Comelec chairman Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon, ay nagretiro noong Pebrero 2.
“I confirm that the Supreme Court through the Office of Chief Justice Alexander Gesmundo received this afternoon the appointment papers of former Comelec Commissioner Antonio Kho, Jr. as Associate Justice of the Supreme Court of the Philippines,” ani Hosaka sa isang mensahe sa mga reporters.
Si Kho ay in-appoint para palitan si dating Associate Justice Rosmari Carandang na nagretiro naman noong Enero matapos ang 27-taon nitong pagsisilbi sa SC.
Naging fraternity brother naman si Kho ni Pangulong Rodrigo sa San Beda College ng Law-based Lex Talionis fraternity. Bago pa magsilbi sa Comelec, si Kho ay undersecretary na sa Department of Justice (DOJ).
Comments