top of page
Search
BULGAR

Dapat maging ready sa pagdating ng La Niña

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 23, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Pagkatapos ng tagtuyot na dala ng El Niño, inaasahan naman na susunod ang matinding tag-ulan sa bansa dahil sa La Niña.


Ayon sa PAG-ASA, nasa 69 percent ang probability ng pagdating ng La Niña sa bansa sa July-August-September season.


Inaasahan na dahil dito, mula 13 hanggang 16 cyclones ang papasok sa bansa, kumpara sa 11 noong 2023.


☻☻☻


Mahalagang ngayon pa lang ay humanda na ang bansa para mabawasan ang epekto ng La Niña sa ating mga pamayanan.


Umabot na sa P9.5 billion ang pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño. Kung hindi tayo handa, tiyak na lalo pang malulugmok ang ating agrikultura, na magkakaroon ng negatibong epekto sa presyo ng pagkain at ibang pangunahing bilihin.


☻☻☻


Naiulat nitong mga nakaraang araw na dinirekta na ang Task Force El Niño na simulan na ang paghahanda para sa La Niña.


Ayon naman kay Finance Sec. Ralph Recto, “all hands on deck” daw ang pamahalaan sa pagkontra sa epekto ng El Niño sa food security at naghahanda na sa banta ng La Niña.

Mino-monitor din daw nito ang mga galaw sa food inflation, lalo na sa bigas at iba pang bilihin.


Kaugnay nito, inihain natin ang Senate Resolution No. 1034 upang imbestigahan kung ano ba ang plano ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng La Niña sa bansa.


Umaasa tayong sa pamamagitan ng imbestigasyong ito, matutukoy natin kung sapat at angkop ba ang pagsisikap ng pamahalaan upang maprotektahan ang sambayanan sa magkasunod na dagok ng panahon, na patuloy na lumalala dahil sa nagbabagong klima.


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page