ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Dec. 12, 2024
Dear Chief Acosta,
Gusto kong magsimula ng negosyo at isa sa mga inaalala ko ay ang kaligtasan ng lahat, nasa loob man o labas ng aming lugar. Maaari ko bang malaman kung ano ang itinuturing na mapanganib na operasyon/proseso na kinakailangan ng mga hakbang sa kaligtasan kaugnay ng sunog? Salamat sa inyong magiging kasagutan. — Cam-Cam
Dear Cam-Cam,
Maaaring masagot ang iyong katanungan sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga sumusunod na seksyon ng Republic Act (R.A.) No. 9514, na mas kilala sa tawag na “Revised Fire Code of the Philippines of 2008”, kung saan ipinaliwanag ang mga sumusunod:
“SECTION 3. Definition of Terms. As used in this Fire Code, the following words and phrases shall mean and be construed as indicated: xxx
Hazardous Operation/Process Any act of manufacturing, fabrication, conversion, etc., that uses or produces materials which are likely to cause fires or explosions. xxx
SECTION 7. Inspections, Safety Measures, Fire Safety, Constructions and Protective and/or Warning Systems. As may be defined and provided in the rules and regulations, owners, administrators or occupants of buildings, structures and their premises or facilities and other responsible persons shall be required to comply with the following, as may be appropriate: xxx
c) Safety Measures for Hazardous Operation/Processes Fire safety measures shall be required for the following hazardous operation/processes:
(1) welding or soldering;
(2) industrial baking and drying;
(3) waste disposal;
(4) pressurized/forced-draft burning equipment;
(5) smelting and forging;
(6) motion picture projection using electrical arc lamps;
(7) refining, distillation and solvent extraction; and
(8) such other operations or processes as may hereafter be prescribed in the rules and regulations.”
Batay sa nabanggit na batas, ang mapanganib na operasyon o proseso ay tinukoy bilang anumang operasyon sa isang lugar o pabrika na gumagamit o gumagawa ng mga materyales na maaaring magdulot ng sunog o pagsabog. Nakalista rin sa Seksyon 7(c), ng parehong batas, ang mga sumusunod bilang mapanganib na operasyon o proseso, gaya ng: 1.) hinang o paghihinang; 2.) industrial baking at drying; 3.) pagtatapon ng basura; 4.) pressure/forced-draft burning equipment; 5.) smelting at forging; 6.) motion picture projection na gumagamit ng mga electrical arc lamps; 7.) pagpino, paglilinis at pagkuha ng solvent; at 8.) iba pang mga operasyon o proseso na maaaring itakda sa mga tuntunin at regulasyon ng naayon sa batas.
Kung kaya, bilang kasagutan sa iyong katanungan, kapag natukoy o natiyak na ang iyong papasukin na negosyo ay mayroong mapanganib na operasyon o proseso, kinakailangang obserbahan ang mga hakbang para sa kaligtasan ng sino man laban sa ano mang sunog o pagsabog. Mangyaring paalalahanan din kita na maaaring mapatawan ng parusa at/o multa kung mapatutunayan na nagkasala o lumabag sa alinman sa mga probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 9514.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments