ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | August 15, 2020
Dear Doc. Shane
Nagkaroon ng tubig sa baga ang aking tatay at ito ang kanyang ikinamatay. Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa sakit na ito? – Antonio
Sagot
Ang tubig sa baga o kilala sa tawag na pulmonary edema ay kondisyon kung saan napupuno ng tubig ang baga. Kapag ang pasyente ay may problema sa puso, mahihirapan na itong magbomba ng sapat na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Habang dumarami ang tubig, mas nahihirapan ang baga na kumuha ng sapat na oxygen na kailangan ng katawan.
Malaki ang posibilidad na magkatubig sa baga ang tao kapag:
Dati nang nagkaroon ng tubig sa baga
Mayroong sakit sa baga, tulad ng TB at chronic obstructive pulmonary disorder (COPD)
Mayroong ng sakit sa dugo
Hirap sa paghinga
Madalas inuubo
May pagtunog ng baga kapag humihinga na parang sumisipol
Ang ubo ay may kasamang dugo
May pamamaga ng mga paa
Hindi normal na tibok ng puso
May sakit sa puso
Paano ito maiiwasan?
Iwasan o ihinto ang paninigarilyo
Sikaping magkaroon ng regular na ehersisyo
Kumain ng masusustansiyang pagkain
Panatilihing tama ang timbang
Tandaan na ang tubig sa baga ay maaagapan at nagagamot, lalo na kung ito ay matutukoy ng maaga. Subalit sa ilang mga kalagayan, ang tubig sa baga ay nakamamatay kahit na maisagawa pa ang lahat ng uri ng panggagamot.
Comments