ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 21, 2021
Mga magulang, tandaan ang anim na mga hakbangin na ito upang anuman ang abilidad ng bata ay maging isang mahalagang bagay ito na kanyang matutunan sa dakong huli. Halos lahat ng bata ay nagsisimulang excited na matuto sa sandali ng pagtuntong niya sa unang araw ng pag-aaral, pero ang discouragement at pagkadismaya mula sa paulit-ulit na kabiguan ang nagpapabagsak sa kanyang kasiglahan, magagawa mong palakasin ang learning ability ng bata.
1. Tanggapin na ang bata ay hirap na matuto pero naroon ang katotohanan na ito ay malalampasan din. Ang matapang na hakbangin na ito na iyong magagawa ang pinakamahalagang bagay na iyong gagawing solusyon para sa iyong anak.
2. Ilista ang naoobserbahang learning behavior ng bata. Tumatanggi ba siyang magbasa? Para bang aabutin pa ng matagalang panahon na makumpleto niya ang kanyang ginagawa? Kailangan na ng maraming atensiyon? Hindi siya makasunod? Sa bawat sintomas na ito ay isang susi sa pang-unawa para mabuksan ang kanyang potensiyal na matuto.
3. Makipag-usap sa propesyonal na guro para marebisa ang iyong mga naisulat at saka ikumpara ang test result ng bata sa kanyang patuloy na inuugali. Ang konsultasyon ay makatutulong upang maunawaan ang pinaglalabanan ng anak. Kapag sapat ang impormasyong ito, makapipili ka ng tamang gagawing aksiyon.
4. Maghanap ng espesipikong skills training options na angkop sa bata. Huwag nang mag-aksaya ng oras at pera sa tutoring kung hindi nila malulunasan ang ugat sa problema.
5. Tulungan ang anak na magsumikap ayon sa galing ng kanyang isipan sa loob ng 12-24 oras, ilang oras kada isang linggo. Hindi magtatagal ay makikita na ang resulta, pero kailangan nito ang effort at panghihikayat.
6. Pansinin kung ang hangarin ng anak na matuto ay mabilis na mangyayari, kaysa sa iyong inaasahan.
Comments