ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 30, 2020
Dear Doc. Shane,
Kapag ba nakaligtaan ang pag-take ng contraceptive pill ng isang gabi at may nangyari sa amin ng BF ko ay may posibilidad na mabuntis ako? – Mish
Sagot
Posible, pero maliit na maliit ang posibilidad. Oo, ang pagiging epektibo ng pills bilang paraan ng family planning ay nakadepende sa pagiging regular ng pag-inom nito, subalit kung isa lamang ang lumampas, inumin na lang ang pills na hindi nainom at ituloy lamang ang pag-inom ng pills kahit magdoble ito sa unang araw, ngunit kung higit sa isa ang naliban na pills, mas tumataas ang posibilidad na pumalpak ang pagsupil ng pills sa pagkabuntis ng babae.
Kung hindi pa handa sa pagbubuntis at makasigurado sa ligtas na pakikipagtalik, gumamit ng karagdagang contraceptive tulad ng condom sa unang pitong araw.
Kung hindi sigurado, magpatingin sa iyong OB-Gyne o iba pang doktor upang magabayan kung ano’ng mga hakbang na puwedeng gawin.
Comments