ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 10, 2023
KATANUNGAN
Ako ay pangkaraniwang empleyado. Ang problema, matagal na ako sa pinaglilingkuran kong kumpanya, pero hanggang ngayon hindi tumataas ang aking suweldo at wala ring mga benepisyo rito, kaya balak ko nang mag-resign. Kaya lang, kung magre-resign ako ay tuluyan na akong mawawalan ng trabaho at hindi na makakita pa ng iba na katulad ng trabaho ko ngayon na related naman sa course ko.
Kung hindi ako aalis dito, kaawa-awa naman ako dahil napakakuripot ng may-ari ng kumpanyang ito. Feeling ko nga, kinakawawa kaming maliliit na empleyado dahil ‘yung mga demand namin ay hindi naman ibinibigay o napagbibigyan.
Maestro, ano ba ang dapat kong gawin? Sana, mapayuhan n’yo ako para sa ikagaganda ng aking career at para sa ikauunlad ng buhay ko.
KASAGUTAN
Huwag ka nang mamroblema, Jayson, sapagkat sinasabing makakahanap ka pa ng magandang trabaho sa sandaling nag-resign ka sa kasalukuyan mong trabaho. Ito ang nais sabihin ng hindi pumangit at hindi naputol na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na dahil may mabuti kang kalooban at palaging malinis ang inyong konsensya sa bawat gawain o trabaho na iyong ginagawa, gayundin, masipag at dedicated ka sa trabaho, gagantimpalaan ka rin ng langit ng mabuti, asensado at maganda ring trabaho. Ito naman ang maghahatid sa iyo sa tuloy-tuloy na pagsigla at pag-unlad ng iyong career. Kasabay nito, magkakaroon ka rin ng bagong trabaho na mas malaki ang suweldo at mas mabilis ang pag-asenso (arrow b.) kung ikukumpara sa kasalukuyan mong kumpanya.
Ang pag-aanalisa na sa sandaling umalis ka sa kasalukuyan mong trabaho ay lalong gaganda ang career mo at madali namang kinumpirma at pinatunayan ng okey at maganda mong lagda, na tuloy-tuloy na gumuhit nang straight line at nagtapos sa pataas na stroke.
Ibig sabihin, habang nakaka-edad ka, walang problema dahil kahit umalis ka sa kasalukuyan mong kumpanya at lumipat ng ibang trabaho, tulad ng naipaliwanag na, tuluy-tuloy kang aasenso. At sa larangan ng career at habang lumalaon sa pagtatrabaho, patuloy ka ring uunlad at magiging maligaya.
MGA DAPAT GAWIN
Jayson, kung nararamdaman mong argabyado ka sa kasalukuyan mong trabaho, gayung napapansin mong payaman nang payaman ang kumpanya, habang kayong manggagawa ay patuloy na naghihirap dahil sa mababang suweldo, tama ang iniisip mo na mag-resign at lumipat ng ibang kumpanya. Pero hindi pa ngayon, sa halip, gawin mo ang pagre-resign sa buwan ng Mayo 2023 nang sa gayun, paboran ka ng kapalaran, kung saan sa nasabing panahon, tiyak na sa lilipatan mong kumpanya ay susuwertehin ka.
Dagdag pa rito, ayon sa iyong mga datos, kapag umalis ka sa kasalukyan mong kumpanya, sa huling linggo ng Mayo 2023, muli kang magkakaroon ng bago, mas maganda at malaking suweldo na trabaho, na may kaugnayan din sa natapos mong kurso sa isang international company.a.
Commentaires