top of page
Search

Dapat alam mo ‘to! Mga bawal gawin pagkatapos kumain

BULGAR

ni Mharose Almirañez | July 24, 2022





Bakit nga ba napakasarap gawin ‘yung mga bawal? ‘Yung tipong, matapos nating kumain ay ang sarap-sarap mahiga at matulog. ‘Yung akala mo, normal lamang maligo pagkatapos kumain, pero bawal naman pala. Ultimo prutas na ginagawa mong panghimagas ay bawal din. Exercise, bawal din. Kape’t tsaa ay bawal din gawing tubig. Mabuti pa siguro kung huwag na lang kumain? Charot!


Pero, bakit nga ba naging bawal ang mga nabanggit? Narito ang dahilan:


1. BAWAL HUMIGA O MATULOG. Palipasin mo muna ang dalawang oras bago matulog dahil kung hihiga o matutulog ka agad matapos kumain ay dito na papasok ang indigestion at acid reflux. Kumbaga, hindi ka matutunawan, sapagkat ang pagkain ay naka-stuck pa sa tiyan. Mangangasim ang tiyan, ang pangangasim ay aakyat papuntang esophagus o aabot hanggang sa lalamunan. Maaari ka ring bangungutin kapag natulog kang busog.

2. BAWAL MAPUWERSA ANG KATAWAN. Kumbaga, bawal kang matagtag nang bonggang-bongga sa pamamagitan ng pagtakbo, pagbibisikleta at pagbubuhat ng mabibigat, kung ayaw mong magka-Appendicitis. Mainam kung magpapahinga ka muna sa loob ng isang oras o tumayo upang bumaba ang iyong kinain.


3. BAWAL MALIGO. Sa bata ay oks lang maligo agad matapos kumain, pero kung matanda ka na ay ekis ‘yan, beshie. Ayon sa research, kapag naligo ka pagkakain ay nagtutungo o nagpopokus ang dugo sa iyong mga kamay at paa. Naapektuhan nito ang digestion ng pagkain na posibleng magdulot ng komplikasyon sa ating kalusugan. Inirerekomenda ng mga eksperto na maghintay ng 30 minuto matapos kumain bago maligo upang matiyak na nag-digest at na-absorb na ng iyong katawan ang mga kinain.

4. BAWAL KUMAIN NG PRUTAS. Mapupunta ang atensyon ng sikmura natin sa prutas sa halip na sa heavy meals na una nating kinain. Bawal ding kumain nang kumain hangga’t hindi pa natutunaw ang mga nauna mong kinain upang hindi ka maempatso.


5. BAWAL MAG-TSAA O MAGKAPE. Ayon sa research, ang mga ito ay nagtataglay ng acid na nagpapatigas ng protina. Kapag tumigas ang protina, mahihirapan ang digestive system na tunawin ito. Kaya beshie, alam mo na.


Dagdag pa rito, ang nararamdamang pagod pagkatapos kumain ay normal lamang sa isang tao dahil ibig sabihin nito, sumasang-ayon ang ating katawan sa pagtunaw ng ating mga kinakain. Samantala, ang pakiramdam na palagi kang inaantok o napapagod matapos kumain ay may ipinapahiwatig din na iba’t ibang klaseng sakit tulad ng anemia, diabetes, sakit na celiac, hindi aktibong thyroid, at sleep apnea. Upang makatiyak sa iyong kalusugan, mainam na kumonsulta sa doktor para mapayuhan at mabigyan ng angkop na gamot.


Okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page