top of page
Search

Danny Javier ng APO Hiking Society, pumanaw na

BULGAR

ni Lolet Abania | October 31, 2022



Pumanaw na si Danny Javier ng APO Hiking Society sa edad na 75. Kinumpirma ito ng kanyang anak na babae sa Facebook post ngayong Lunes, na aniya namatay ang ama dahil sa, “complications due to his prolonged illnesses.”


“In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way,” pahayag ng anak ni Danny.


Hiniling naman ng pamilya Javier na irespeto at bigyan sila ng privacy habang isinasaayos nila ang mga detalye ng burol ng veteran singer. Labis din ang pasasalamat ng pamilya sa bawat isang nagpahayag ng pakikiramay na anila, “[your] outpouring love, prayers, and condolences at this difficult time.”


“Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya.” “Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami’y kasama mo.”


Samantala, ito ang naging update matapos na ang kaibigan at kapwa APO Hiking Society member na si Boboy Garrovillo ay nagpahayag sa isang online interview na, “Danny is not well,” subalit aniya, nagrerekober.


Matatandaan na noong 2020, inamin ni Danny sa isang Facebook post na siya ay mayroong, “underlying health concerns with my heart, lungs, and kidneys.” Kabilang sa mga hit songs ng APO Hiking Society ay “Batang-Bata Ka Pa,” “Panalangin,” at “Bawat Bata.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page